Slam Dunk

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Slam Dunk ay isang 31-volume na Japanese manga na ginawa ni Takehiko Inoue. Ang manga ay tungkol sa isang basketball team sa Shohoku High School.

Naging sikat ito sa Japan at naghikayat ng maraming Hapones na tinedyer na maglaro ng basketbol. Dahil sa pagkahilig ng mga Pilipino sa larong basketbol, sumikat rin ito sa Pilipinas.

Isang 101-episode anime TV series at 4 na pelikula na binase sa manga ang naisagawa. Sinusunod ng anime series ang orihinal na istorya sa manga, pero binago ng konti ang katapusan nito. Ang mga pelikula naman ay gumagamit ng mga istoryang hindi magkaugnay sa isa't isa.

Sa Japan, inilathala ito sa Weekly Shonen Jump. Sa Pilipinas, inilalathala ng Summit Media Publishing ang Ingles na bersyon ng manga.

Istorya[baguhin]

Ang bida ng manga na ito ay si Hanamichi Sakuragi. Sa simula ay isa siyang lalaking tinedyer na mahilig makipag-away sa iba para maging sikat, kaya siya ay naging lider ng grupo niya. Ayaw ng mga babae kay Hanamichi at limampung beses siyang tinanggihan ng mga ito na maging kasintahan niya.

Di nagtagal at nalaman ni Hanamichi na si Haruko Akagi ang babaeng pinapangarap niyang makasama. Nakita naman ni Haruko ang potensiyal ni Hanamichi sa isports, kaya sinamahan niya si Hanamichi sa koponan ng basketbol sa Shohoku.

Sa simula ay ayaw ni Hanamichi na sumali sa koponan dahil wala siyang alam sa basketbol at akala niya na ang basketbol ay linalaro lamang ng mga talunan. (Sa totoo, ang ikalimampung babaeng tumangging maging kasintahan niya ay may gusto sa isang basketbolista.)

Sa kabila ng pagka-immature at ang pagkamainitin ng ulo niya, pinatunayan ni Sakuragi na isa siyang natural na atleta. Sumali siya sa koponan para ma-impress si Haruko sa kanya at para mapatunayan niya na karapat-dapat siya para kay Haruko.

Sumali rin sa team si Kaede Rukawa, isang star rookie at "girl magnet" na karibal ni Sakuragi sa basketbol at sa pag-ibig. Bumalik rin sa team sina Mitsui Hisashi, isang dating junior high school MVP, at si Ryota Miyagi, isang manlalaro na pandak pero mabilis kumilos. Kasama ang isa't isa, sisikapin nilang makamit ang pangarap ni Takenori Akagi, ang team captain, na maging kampeon sa bansa ang Shohoku High. Di nagtagal at naging sikat sila at ang koponan ng basketbol sa Shohoku ay naging all-star contender ng Japan.

Ang Pag-ere ng Anime sa Pilipinas[baguhin]

Taong 1995 unang lumabas sa Pilipinas ang anime na bersyon nito, sa estasyong ABC.

Pero mas sumikat ang anime na ito nang ipalabas ito sa GMA noong 6 Mayo 2002. Noong 2004, ipinakita rin sa GMA ang apat na pelikula ng Slam Dunk bilang mga "bagong episodes" ng programa. Dahil sa kasikatan nito ang anime ay pilit pa ring pinapalabas ng paulit ulit sa magkaibang time slot.

Kaugnay Panlabas[baguhin]

Mga Tauhan[baguhin]

Shohoku[baguhin]

  1. . Hanamichi Sakuragi No.10 - Si Hanamichi Sakuragi ay ginawang Power Forward at Center ng Shohoku na may pulang buhok, sa simula pa lang ay ayaw na niya ng basketball dahil binasted na siya ng kanyang babae. Nang makilala niya si Haruko Akagi, tinuruan na siya kung paano gawin ang Slam Dunk. Nang makaaway niya si Kaede Rukawa sa rooftop ng eskwelahan, binasted na siya ni Haruko. Para makasali sa basketball, kinalaban niya si Takenori Akagi na kapatid ni Haruko sa basketball. Tinanggap na siya ng Shohoku dahil sa kanyang tangkad. Sa limang sunud-sunod na laban mula sa Miuradai hanggang sa Shoyo, nagkaroon si Sakuragi ng dalawampu't limang foul at sa kanyang maling nagawa mula sa pagkatalo nila sa Kainan, ipinagupit niya ang sariling buhok. Todo suporta sa kanya sa lahat ng mga laban niya sa basketball sina Haruko at ang apat niyang kasama sa gang.
  2. . Takenori Akagi No.4 - Si Takenori Akagi ay Center at Team Captain ng Shohoku at nakatatandang kapatid ni Haruko, para makasali si Sakuragi sa basketball team, naglaban sila ang nakuha niyang puntos ay 9 dapat sana 10 at nagtagumpay si Sakuragi sa 1 puntos pero bumagsak si Akagi. Nang makasali ito sa Shohoku Basketball Team, tinawag siyang Gori dahil mayroon siyang halintulad sa isang gorilya. Noong laban nila sa Kainan, sumakit ang kanyang paa at si Sakuragi ang pumalit sa kanya.
  3. . Kiminobu Kogure No.5 - Si Kiminobu Kogure ay Vice-Captain ng Shohoku at mabuting kaibigan nina Akagi at Mitsui