Pumunta sa nilalaman

Smush Parker

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Smush Parker
Free agent
PositionPoint guard / Shooting guard
Personal information
Born (1981-06-01) 1 Hunyo 1981 (edad 43)
Brooklyn, New York
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 5 pul (1.96 m)
Listed weight195 lb (88 kg)
Career information
High schoolNewtown (Queens, New York)
College
NBA draft2002 / Undrafted
Playing career2002–kasalukuyan
Career history
2002–2003Cleveland Cavaliers
2003–2004Aris
2004Idaho Stampede
2004–2005Detroit Pistons
2005Florida Flame
2005Phoenix Suns
2005Florida Flame
20052007Los Angeles Lakers
2007–2008Miami Heat
2008Los Angeles Clippers
2008Rio Grande Valley Vipers
2009–2010Guangdong Southern Tigers
2010–2011Spartak Saint Petersburg
2011Iraklis
2012Petrochimi Bandar Imam
2012Guaros de Lara
2012Indios SFM
2012–2013Cibona
2013Peristeri
2014Guaros de Lara
2015Mon-Altius Madimos Falcons
2015Étoile Sportive de Radès
2016Maghreb de Fes
2017–2018Albany Patroons
2018Los Angeles Superstars
Career highlights and awards

Si William Henry "Smush" Parker (ipinanganak noong Hunyo 1, 1981 sa New York, New York) ay isang propesyonal na basketbolista mula sa Estados Unidos na huling naglaro para sa Los Angeles Clippers. Mula sa pagiging shooting guard nuong nasa kolehiyo, si "Smush" ay naging point guard nang mapasok sa NBA. Dating palayaw ng ama ni Parker ang “Smush”, na naging palayaw din ni William Henry nang ibigay sa kanya ito ng amaing si Naid. Ang Tatay ni Parker ay namatay nuong si Parker ay walong taong gulang pa lamang.

Hindi nakabilang ai Parker sa draft noong kapanahunan ng kanyang pagiging sophomore sa Pamantasan ng Fordham, na kung saan si Parker ay nabibilang na Second Team All A-10 at Second Team NABC All-Region at naninirahan noon sa unang palapag ng Alumni Court North Dormitory. Sa kanyang kapanahunan bilang isang freshman nuong 1999 hanggang 2000, nag-aral si Parker sa Pamantasan ng Southeren Idaho. Naglaro din siya sa Newtown High School sa Elmhurst, Queens ng New York.

Bilang batikang basketbolista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naglaro si Parker bilang manlalaro ng Cleveland Cavaliers, Detroit Pistons, Phoenix Suns, at Aris Thessaloniki (FIBA) bago tanggapin ang kontrata ng Lakers nuong 2005. Sa pagpasok ng taong 2005, nakikilala lamang si Parker bilang starting point guard. Bilang manlalaro ng Lakers, sumikat si Parker sa ilalim ng pagsasanay ni Phil Jackson.

Habang iniisip ng mga bihasa kung sino sa mga beteranong sina Aaron McKie at Sasha Vujacic ang magiging point guard, naging sorpresang baguhan (starter) naman ng Lakers si Parker laban sa Denver Nuggets. Sa pambungad na laro ng Lakers noon, gumawa ng halos 20 puntos si Parker sa loob ng apat na unang laro. Dahil nakuha niya ang pansin ni Phil Jackson, si Parker ay naing starting line-up nang lumaon. Sa pagsisimula ng 2005-2006,si Parker ay nagkaroon ng 162 laro na may 11.5 puntos. Ngunit sa huling dalawang laro ng regular season at ng playoffs ng 2006-2007, nawala ang starting spot ni Parker. Napunta ang starting spot kay Jordan Farmar, isang rookie.

Nuong ika-26 ng Hulyo, 2007, si Parker ay pumirma bilang manlalaro ng Miami Heat, kung saan nagsuot si Parker ng jersey na tinatakan ng numerong 21.

Bago sumali sa NBA, nagsanay si Parker sa The Cage sa Manhattan’s West Fourth Street, kung siya ay tinaguriang "Grim Reaper", isang palayaw na naka-tato sa kanyang kanang kamay. Nagkaroon din si Parker iba pang mga palayaw katulad ng "NBA Live” at “The Aviator”, mga palayaw na nagmula kay Randy Cruz, isa sa mga tagapagtayo ng Hoops In The Sun Basketball League at ng Orchard Beach sa Bronx, New York.

Noong 2003-2004, naglaro si Parker sa Aris, Gresya, kung saan natamo niya ang Greek Cup sa huling laro laban sa mga Olympiaco.

Noong estudyante ng hayskul, naging modelo ng damit si Parker para sa Nautica.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]