Spaghetti

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lutong Spaghetti na wala pang pampalasa.

Ang Spaghetti ay mahaba, manipis at silindrikong pasta na nagmula sa Italy.[1] Ito ay gawa sa harina at tubig. Ang Italian Dried Spaghetti ay gawa sa durum wheat, ngunit sa ibang bansa, ibang uri ng harina ang ginagamit sa paggawa nito. Noong una, 50 cm (o 20 ins) ang haba ng spaghetti, ngunit umikli ito sa huling kalahati ng ika-20 siglo. Ngayon, ang spaghetti ay karaniwang 25–30 cm (o 10–12 in) na lang. Nakabase sa haba ang magiging luto nito, mula sa spaghetti na may keso at paminta o bawang at mantika hanggang sa spaghetti na may kamatis, karne at iba pang sarsa.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Spaghetti ay halaw sa plural ng salitang Italyano na spaghetto (o maliit na spago), na ang ibig sabihin ay "manipis na tali".[1]

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kanluran, partikular sa katimugang bahagi ng Italy, unang ginawa ang mahaba at manipis na spaghetti noong ika-12 siglo.[2] Nagsimulang sumikat ito sa buong Italy noong ika-19 siglo kung kailan itinatag ang mga pabrikang pagawaan nito, na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng malawakang produksiyon nito sa merkado.[3] Sa Estados Unidos, ang spaghetti ay nabili sa mga restawran bilang Spaghetti Italienne (noodles na babad na babad sa tubig at sinabawan ng tomato sauce) noong katapusan ng ika-19 siglo. Ilang dekada pagkatapos, ito ay inihanda na na may bawang at paminta.[4] Kalaunan, ang mga delatang spaghetti, kasangkapan sa paggawa ng spaghetti at spaghetti na may meatballs ay naging tanyag sa U.S. kaya naging pikolete ang spaghetti doon.[4]

Preparasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinakukuluang Spaghetti

Sa isang palayok ng kumukulong tubig (5 litro para sa 2 katao) iniluluto ang pasta. Isa o dalawang minuto pagkatapos ilagay ito sa palayok, hinahaluan ito ng isa o dalawang kutsarang asin. Pagkatapos ng 10-15 minuto (depende sa nakatatak sa packaging nito), sinasala ang spaghetti gamit ang salaan (o scolapasta sa Italian).


Paghahanda[baguhin | baguhin ang batayan]

Classic Spaghetti à la Carbonara.

Isang simbolo ng Italian cuisine ang spaghetti na madalas may tomato sauce at iba't-ibang mga herba katulad ng oregano at Balanoy, Olive Oil, karne, o gulay. Maaari itong ihanda na may Bolognese Sauce, Alfredo at Carbonara at nilalahugan ng ginadgad na keso, tulad ng Pecorino Romano, Parmesan at Asiago.

Mga Tala[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang tala para sa pinakamalaking mangkok ng spaghetti ay nakamit noong Marso 2009 at nareset noong Marso 2010 nang pinuno ang isang palanguyan o swimming pool ng humigit 13,780 pounds (o 6,251 kg) ng spaghetti sa isang restawran sa Garden Grove, Buca di Beppo, sa labas ng Los Angeles.[5]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 spaghetti. Dictionary.com. Dictionary.com Unabridged (v 1.1). Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/spaghetti (accessed: June 03, 2008).
  2. http://www.theatlantic.com/doc/198607/pasta
  3. Kate Whiteman, Jeni Wright and Angela Boggiano, The Italian Kitchen Bible, Hermes House, p.12-13
  4. 4.0 4.1 Levenstein, Harvey; in Carole M. Counihan (ed.) (2002). Food in the USA: A Reader. Routledge. pp. 77–89. ISBN 0-415-93232-7. 
  5. KTLA News (12 Marso 2010). "Restaurant Sets World Record with Pool of Spaghetti". KTLA. http://www.ktla.com/news/landing/ktla-biggest-pasta-bowl,0,5522564.story. 

Padron:Pasta