SpongeBob SquarePants

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin



SpongeBob SquarePants
CastSpongeBob.gif
Uri Kartun
Katatawanan
Gumawa Stephen Hillenburg
Pinangungunahan ni Tom Kenny
Bill Fagerbakke
Rodger Bumpass
Carolyn Lawrence
Clancy Brown
Lori Alan
Mary Jo Catlett
Doug Lawrence
Dee Bradley Baker
Sirena Irwin
Jill Talley
Bansang pinagmulan Estados Unidos
Bilang ng mga panahon 6
Bilang ng mga kabanata 102
Paggawa
Oras ng pagpapalabas Karaniwang 11 minuto bawat kabanata
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan Nickelodeon
Orihinal na pagtakbo Flag of the United States 1 Mayo 1999
Flag of the Philippines Abril, 2000 – kasalukuyan
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang SpongeBob SquarePants ay isang seryeng animasyon na palabas sa panooran. Kabilang ito sa mga nakawiwiling Nicktoons (mga kartun ng Nickelodeon). Noong 2007, pinangalanan itong pinaka-tanyag na palabas ng magasing Time. Bagaman unang sumahimpapawid ito mula sa Nickelodeon sa Estados Unidos, laganap na ang pagpapalabas nito sa buong mundo. Kinatha ito ni Stephen Hillenburg at pinamamangasiwaan ng kompanyang United Plankton Pictures, Inc.. Naipalabas din ang SpongeBob sa MTV2, ang kapatid na kompanya ng Nickolodeon noong 2006, ngunit hindi nagtagal.

Ang pangunahing lokasyon ng palabas, ang Lungsod ng Bikini Bottom sa Karagatang Pasipiko ang tagpuan ng palabas na ito. Sumahimpapawid ang unang palabas nito noong ika-1 ng Mayo, 1999, bagaman ang unang opisyal na pagtatanghal ay noong ika-17 ng Hulyo, 1999, kinapapalooban ng pangalawang bahagi, ang Bubblestand at Ripped Pants.

Mga Pangunahing Tauhan[baguhin]

  • SpongeBob SquarePants — isang palakaibigan at nakakatawang espongha na mahilig sa paghuli ng mga dikya at paglalaro ng karate. Hanap-buhay niya ang pagpiprito ng Kraby Patty sa kainang Krusty Krab. Siya ay isang magaling na tauhan ni mr.krabs. Siya ay may alagang suso na ang pangalan ay Garry.
  • Patrick Star— ang pinakamatalik na kaibigan ni Spongebob. Medyo di naiintindihan ang mga bagay na nangyayari.
  • Sandy Cheeks — isang squirrel na taga-Texas.Isang squirrel na magaling sa karate. Siya ay malakas at matalik na kaibigan din ni spongebob.
  • Eugene H. Krabs — isang kuripot na alimango ng may-ari ng Krusty Krab.
  • Pearl Krabs — anak ni Ginoong Eugene H. Krabs. mahilig sa mga gala at sa mga gimik
  • Squidward Tentacles — kapitbahay ni Spongebob Squarepants at Patrick Star, na kahera sa Krusty Krab, at mahilig tumugtog ng klarinet bagaman walang kahusayan dito. Walang masyadong nakakaalam na isa siyang pugita, hindi isang pusit. madalas siyang naiinis kay spongebob ngunit hindi nagsasawa si spongebob na kaibiganin ito.
  • Gary the Snail — alagang susong hayop ni SpongeBob.
  • Sheldon J. Plankton - kalaban ni Ginoong Krabs. Gagawin niyang lahat para manakaw ang resiping Krabby Patty (Tortang Alimango) ni Ginoong Krabs.
  • Mrs. Puff — guro ni SpongeBob sa pagmamaneho.
  • Mermaid Man at Barnacle Boy — mga matatandang superhero na nag-retiro na pero kinawiwilihan parin nina SpongeBob at Patrick.
  • Larry the Lobster — isang malusog, masigla at malakas na ulang.
  • Perch Perkins - isang mamamahayag sa Bikini Bottom.

Katanyagan[baguhin]

Ang SpongeBob SquarePants ay ang nag-iisang kartun na palaging nasasama sa pinaka-10 sa Nielsen ratings. Ito rin ang unang kartun na nangailangan ng mababang budget, pero naging tanyag. Ang isa sa mga high-budget na karun ay ang Rugrats, pero nawala ang pagiging tanyag nito pagkatapos ilathala sa telebisyon ang SpongeBob SquarePants noong 1999. Ang SpongeBob ay sinundan ng mga tanyag na palabas katulad ng: The Ren & Stimpy Show, Rocko's Modern Life, the Kablam! skits, Action League Now! and The Angry Beavers. Noong 1999, hindi pa gaano tanyag ang SpongeBob SquarePants dahil Dragonball Z at Pokémon pa ang mga tanyag noon. Naging talagang sikat ang SpongeBob lamang noong 2000 na halos maging kalaban ng tanyag na Mickey Mouse ng Disney. Dahil dito nagkaroon ito ng great (magaling) rating sa tv.com. Ito ang mga pinaka tanyag na palabas sa Nickelodeon:

Ang espesyal na kabanata, ang Atlantis SquarePantis ay nagkaroon ng 8.8 milyon na manonood, ang pinakamalaki sa kasaysayan ng palabas. Ang pelikula na ito ay sumangguni sa iba-ibang pelikula at storya tungkol sa Atlantis.

Paglathala[baguhin]

Telebisyon[baguhin]

Ang SpongeBob SquarePants ay kasalukuyan ipinapalabas sa telebisyon bilang Tampukan (Channel) 5 sa TV 5, Tampukan 45 sa Nickelodeon (Sky Cable), Tampukan 16 sa sa Nickelodeon (sa Global Destiny Cable).

Talaan ng mga kabanata[baguhin]

  1. Talaan ng mga kabanata ng SpongeBob SquarePants (unang kapanahunan)
  2. Talaan ng mga kabanata ng SpongeBob SquarePants (ikalawang kapanahunan)
  3. Talaan ng mga kabanata ng SpongeBob SquarePants (ikatlong kapanahunan)
  4. Talaan ng mga kabanata ng SpongeBob SquarePants (kapanahunan ikaapat)
  5. Talaan ng mga kabanata ng SpongeBob SquarePants (ikalimang kapanahunan)
  6. Talaan ng mga kabanata ng SpongeBob SquarePants (kapanahunang ika-6)

Mga panlabas na lingk[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]

Panlabas na kawing[baguhin]