Sumerya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sumerian)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang skulptura ng babaeng Diyosa ng mga Sumerio, c. 2120 BCE.
Sinaunang
Mesopotamya
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve

Ang Sumerya o Sumer (mula sa wikang Akkadian Šumeru; Sumerian 𒆠𒂗𒂠 ki-en-ĝir15, tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain"[note 1])[1] ay isang sinaunang kabihasnan at historikal na rehiyon sa Mesopotamia sa modernong Iraq noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso. Bagaman ang mga pinakamaagang historikal rekord sa rehiyong ito ay hindi mas maaga sa ca. 2900 BCE, ang mga modernong historyan ay nagsasaad na ang Sumerya ay unang tinirhan ng mga taong hindi-Semitiko na maaring nagsalita ng wikang Sumeryo sa pagitan ng ca. 4500 BCE at 4000 BCE dahil sa mga ebidensiya ng mga pangalan ng siyudad, mga ilog at iba pa.[2] Ang mga pinagpapalagay na prehistorikong mga taong ito ay tinatawag ngayon ng mga skolar na mga "proto-Euphratean" o mga "Ubaidian",[3] na pinaniniwalaang nagebolb mula sa kulturang Samarra ng Hilagaang Mesopotomia(Assyria).[4][5][6][7] Ang mga Ubaidian ang mga unang nagpaunlad ng kabihasnan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irigasyon, pagpapaunlad ng kalakalan, pagtatatag ng mga industriya kabilang ang paghahabi, pagkakatad, pagmemetal, masonriya at pagpapalayok.[3] Ang kabihasnang Sumeryo ay nagkaanyo sa panahong Uruk(ika-4 milenyo BCE) na nagpatuloy hanggang sa Jemdat Nasr at mga panahong Maagang Dinastiko. Noong ika-3 milenyo BCE, ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng Hiwalay na wika) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo.[8] Ang impluwensiya ng wikang Sumerian sa wikang Akkadian at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na leksikal hanggang sa pagtatagpong sintaktiko, morpolohikal at ponolohikal.[8] Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumerian at Akkadian noong ikatlong milenyo BCE bilang isang sprachbund.[8] Ang Sumerya ay sinakop ng mga nagsasalita ng Semitikong mga hari ng Imperyong Akkadian noong mga 2270 BCE (maikling kronolohiya) ngunit ang wikang Sumeryo ay nagptuloy bilang isang sagradong wika. Ang katutubong pamumunong Sumeryo ay muling umahon sa loob ng isang siglo ng Ikatlong Dinastiya ng Ur(Renasimiyentong Sumeryo) ng ika-21 hanggang ika-20 siglo BCE ngunit ang wikang Akkadian ay nanatiling ginagamit sa panahong ito. Ang siyudad na Sumeryong Eridu sa baybayin ng Gulpong Persiano ang kauna-unahang siyudad sa mundo kung saan ang tatlong magkakahiwalay na mga kultura ay nagsama-ng mga magsasakang Ubaidiano na nabubuhay sa mga kubong putik at brick at nagsasanay ng irigasyon, mga nomadikong Semitikong mga magpapastol na nabubuhay sa mga itim na told at nagpapastol ng mga tupa at kambing, at mga mangingisda na nabubuhay sa mga kubong reed na maaaring mga ninuno ng mga Sumeryo. [9]

Ang labis na maiimbak na mga pagkain na nalikha ng ekonomiyang ito ay pumayag sa populasyon ng rehiyong ito na tumira sa isang lugar sa halip na magpagala-gala bilang mga mangangaso. Ang Sumerya ay lugar rin ng maagang pag-unlad ng pagsusulat na sumulong mula sa isang yugto ng proto-pagsusulat noong gitnang ika-4 milenyo BCE hanggang sa kuneipormang Sumeryo sa ikatlong milenyo BCE.

Mga nilalaman

Ambag[baguhin]

Ang mga Sumeryo ay may mga mahahalagang imbensyon tulad ng:

  • Unang gulong, 360o na bilog at 60 minutong orasan;
  • (Cuneiform), sistema ng pagsusulat;
  • Ziggurat, isang malatagil na gusali;
  • Unang mapa ng rehiyon, tinawag na Mapa ng Nippur.

Mga siyudad-estado sa Mesopotamia[baguhin]

Mapa ng Sumerya

Sa huling ika-4 na milenyo BCE, ang Sumerya ay nahahati sa mga dosenang independiyenteng mga siyudad-estado na nahahati ng mga kanal at mga hangganang bato. Ang bawat isa ay nakasentro sa isang templong inalay sa isang partikular na patrong Diyos o Diyosa ng siyudad at pinamumunuan ng isang saserdoteng gobernador (ensi) o ng isang hari (lugal) na malapit na nakatali sa mga ritong pang-relihiyon ng siyudad. Ang limang mga unang siyudad ay sinasabing nagsanay ng pre-Dinastikong paghahari:   

  1. Eridu (Tell Abu Shahrain)
  2. Bad-tibira (malamang ay Tell al-Madain)
  3. Larsa (Tell as-Senkereh)
  4. Sippar (Tell Abu Habbah)
  5. Shuruppak (Tell Fara)

Ang ibang mga pangunahing siyudad ang:

  1. Uruk (Warka)
  2. Kish (Tell Uheimir & Ingharra)
  3. Ur (Tell al-Muqayyar)
  4. Nippur (Afak)
  5. Lagash (Tell al-Hiba)
  6. Girsu (Tello or Telloh)
  7. Umma (Tell Jokha)
  8. Hamazi 1
  9. Adab (Tell Bismaya)
  10. Mari (Tell Hariri) 2
  11. Akshak 1
  12. Akkad 1
  13. Isin (Ishan al-Bahriyat)

(1ang lokasyon ay hindi matiyak )
(2isang malayong siyudad sa hilagaang Mesopotamia )
Ang mga maliliit na siyudad mula timog hanggang hilaga:

  1. Kuara (Tell al-Lahm)
  2. Zabala (Tell Ibzeikh)
  3. Kisurra (Tell Abu Hatab)
  4. Marad (Tell Wannat es-Sadum)
  5. Dilbat (Tell ed-Duleim)
  6. Borsippa (Birs Nimrud)
  7. Kutha (Tell Ibrahim)
  8. Der (al-Badra)
  9. Eshnunna (Tell Asmar)
  10. Nagar (Tell Brak) 2

(2isang malayong lugar sa hilagaang Mesopotamia) Maliban sa Mari na nasa buong 330 km (205 mi)Padron:Convert/track/abbr/on hilagang kanluran ng Agade ngunit kinikilala sa talaan ng haring Sumeryo na nagsanay ng paghahari sa panahong simulang Dinastiko II at Nagar, ang mga siyudad ay lahat nasa kapatagang alubyal na Euprates-Tigris sa timog ng Baghdad sa ngayong Bābil, Diyala, Wāsit, Dhi Qar, Basra, Al-Muthannā at mga gobernadoradang Al-Qādisiyyah ng Iraq.

Kasaysayan[baguhin]

Ang mga estado-siyudad na Sumeryo ay umakyat sa kapangyarihan noong prehistorikal na panahong Ubaid at panahong Uruk. Ang Klasikong Sumeryo ay nagwakas sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Akkadian noong ika-23 siglo BCE Pagkatapos ng panahong Gutian, may isang maikling Renasimiyentong Sumeryo noong ika-21 siglo BCE na pinatigil noong ika-20 siglo BCE ng mga pananakop ng mga Amoreong Semitiko. Ang "dinastiyang Isin" ng Amoreo ay nagpatuloy hanggang ca. 1700 BCE nang ang Mesopotamia ay pinag-isa sa ilalim ng pamumuno ng Babilonia. Ang mga Sumeryo ay kalaunang isinama sa populasyong Akkadian(Assyro-Babylonian).

Pagbagsak[baguhin]

Ang Sumeria ay hindi nagkaisa noong sinasalakay sila ng mga Akkadian kaya ang lungsod-estado na ito ay naging bahagi ng Imperyong Akkadiano. Nilusob din ito ng mga Elamites. Sinasabing humina ang agrikultura kaya lumisan ang ibang tao. [10]. Sa huli, naging bahagi ito ng Imperyong Babilonya.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Sumerian Questions and Answers". Sumerian.org. http://www.sumerian.org/sumerfaq.htm#s37. Nakuha noong 2012-03-29. 
  2. Bertman, Stephen (2003). Handbook to life in ancient Mesopotamia. Facts on File. p. 143. ISBN 978-0-8160-4346-0. http://books.google.com/?id=3bX3HYm5YMAC&pg=PA143&dq=Sumer+first+settled+language#v=onepage&q=Sumer%20first%20settled%20language&f=false. 
  3. 3.0 3.1 "Sumer (ancient region, Iraq)". Britannica Online Encyclopedia. Britannica.com. http://www.britannica.com/EBchecked/topic/573176/Sumer. Nakuha noong 2012-03-29. 
  4. Kleniewski, Nancy; Thomas, Alexander R (2010-03-26). Cities, Change, and Conflict: A Political Economy of Urban Life. ISBN 978-0-495-81222-7. http://books.google.com/?id=dWuQ70MtnIQC&pg=PA51&dq=samarra+culture#v=snippet&q=%22As%20the%20Samarra%20culture%20spread%20south%2C%20it%20evolved%20into%20the%20Ubaid%20culture%22&f=false. 
  5. Maisels, Charles Keith (1993). The Near East: Archaeology in the "Cradle of Civilization". ISBN 978-0-415-04742-5. http://books.google.com/?id=tupSM5y9yEkC&pg=PA139&dq=samarra+culture#v=onepage&q=%22cultural%20descendants%20of%20the%20originating%20Samarran%20culture%22&f=false. 
  6. Maisels, Charles Keith (2001). Early Civilizations of the Old World: The Formative Histories of Egypt, the Levant, Mesopotamia, India and China. ISBN 978-0-415-10976-5. http://books.google.com/?id=i7_hcCxJd9AC&pg=PA147&dq=ubaid+samarra#v=snippet&q=%22Ubaid%200%20is%20thus%20clearly%20derived%20from%20the%20earliest%20culture%20to%20move%20into%20lower%20mesopotamia%2C%20the%20Samarra%22&f=false. 
  7. Shaw, Ian; Jameson, Robert (2002). A dictionary of archaeology. ISBN 978-0-631-23583-5. http://books.google.com/?id=zmvNogJO2ZgC&pg=PA505&dq=samarra+culture#v=onepage&q=%22similar%20to%20those%20of%20the%20ubaid%20period%22&f=false. 
  8. 8.0 8.1 8.2 Deutscher, Guy (2007). Syntactic Change in Akkadian: The Evolution of Sentential Complementation. Oxford University Press US. pp. 20–21. ISBN 978-0-19-953222-3. http://books.google.co.uk/books?id=XFwUxmCdG94C. 
  9. Leick, Gwendolyn (2003), "Mesopotamia, the Invention of the City" (Penguin)
  10. Thompson, William R. (2004). "Complexity, Diminishing Marginal Returns and Serial Mesopotamian Fragmentation" (pdf). Journal of World Systems Research. http://jwsr.ucr.edu/archive/vol10/number3/pdf/jwsr-v10n3-thompson.pdf. 
  1. ĝir15 means "native, local", in some contexts is "noble"(ĝir NATIVE (7x: Old Babylonian) from The Pennsylvania Sumerian Dictionary). Literally, "land of the native (local, noble) lords". Stiebing (1994) has "Land of the Lords of Brightness" (William Stiebing, Ancient Near Eastern History and Culture). Postgate (1994) takes en as substituting eme "language", translating "land of the Sumerian tongue" (John Nicholas Postgate (1994). Early Mesopotamia: Society and Economy at the Dawn of History. Routledge (UK). . Postgate believes it likely that eme, 'tongue', became en, 'lord', through consonantal assimilation.)