Supot (hindi tuli)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Titing hindi pa natutulian o supot (supot ay may intensiyong panginsulto) habang malambot at tinitigasan.

Ang supot (Ingles: uncircumcised; Ang salitang supot ay karaniwang ginagamit pang insulto) ay ang kalagayan ng isang lalaking hindi pa natutuli o hindi sunat, kung saan makikita ang balat o prepusyo ng titi na nakabalot pa sa aring pangreproduksiyon ng lalaki. Sa Pilipinas, tinutuli ang isang lalaki sa oras na tumuntong ito ng 8-13 mga gulang, na isinasagawa tuwing bakasyon mula sa paaralan. Isinasagawa ang pagtutuli ng isang duktor ng medisina sa isang klinika, o ng isang tradisyunal na manunuli na gumagamit ng labaha. May mga taong nasa larangan ng panggagamot na nagsusulong ng Stop Circumcision o "Ihinto ang Pagtutuli" dahil sa paniniwala nila na walang kinalamang pangkalusugan ang pagsusunat. Subalit nanatiling isang kaugalian ng mga Pilipino ang nakagisnan nilang pagpapatuli ng mga kalalakihan.



KalusuganPanggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.