Surah Ta Ha

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Sura Ta-Ha (Arabiko: سورة طه‎, Sūratu Tā-Hā, "Ta-Ha") ang ika-20 kabanata ng Koran na may 135 talata. Ito ay pinangalanang Ta-Ha dahil ang sura ay nagsisimula sa mga titik na Arabikong طه. Ito ay isang Meccan sura mula sa ikalawang yugtong Meccan. Ang pangunahing tema ang pag-iral ng diyos sa pammagitan ng mga kuwento nina Musa at Adam. Ito ay naglalaman ng mga eskatolohiya na propesiya ng Koran at debate.