Susan Roces

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Susan Rocés
Kapanganakan Jesusa Purificación Sonora y Levy
28 Hulyo 1941 (1941-07-28) (73 taong gulang)
Negros Occidental, Pilipinas
Hanapbuhay Aktres
Mga taon ng kasiglahan 1952–kasalukuyan

Si Susan ay unang nasilayan sa pelikula ng Lebran Pictures noong siya ay 10 anyos pa lamang para sa pelikulang Mga Bituin ng Kinabuksan na isang Drama kabituin si Ike Lozada na noon ay isa ring batang paslit.

Pagkatapos ng pelikulang nasabi ay pansamantalang tumigil si Susan sa pag-aartista at inasikaso muna ang pag-aaral at pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ang isang batang paslit na isang dalagita na sa pelikulang Komedya ang Miss Tilapya subalit pangalawa lamang siya at suporta sa artista na noo'y reyna ng Sampaguita Pictures na si Gloria Romero.

Pagkaraan ng pelikulang iyon ay binigyan siya ng isang pelikulang maituturing na siya mismo ang bida, ito ay ang una niyang starring role ang Boksingera kung saan itinambal siya kay Luis Gonzales na isang Komedya-Dramang pelikula, subalit ang nasabing pelikula ay di gaanong pumutok sa takilya kaya sa kanyang mga sumunod na pelikula ay isinama muna siya sa mga bigating artista ng naturang kompanya.

Isa siya sa mga barkada ni Dolphy sa pelikulang Kulang sa 7 at papel ng isang dalagitang umako ng kasalanan ng iba sa madramang pelikula na Sino ang Maysala at isang panauhing artista lamang sa pelikulang Pasang Krus (1957) kasama si Romeo Vasquez.

Taong 1957 ng bigyan muli siya ng isang natatanging pagkaganap kasama ang baguhang si Romeo Vasquez sa pelikulang Prinsesang Gusgusin at isa sa mga contestant na nagsiwalat ng kanilang natatanging karanasan na Dramang-Panradyo na isinalin sa pelikula ang Mga Reyna ng Vicks na katunggali niya sa paglalahad ng kanyang natatanging buhay sina Amalia Fuentes, Gloria Romero at Rita Gomez.

Mga Kapatid[baguhin | baguhin ang batayan]

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Tribya[baguhin | baguhin ang batayan]

  • alam ba ninyo na si Susan Roces ang nanalo bilang Pinakamagaling na Artista (FAMAS) noong 1978 para sa mala-Klasikong pagganap bilang si Maruja sa pelikulang Gumising ka Maruja.


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.