Suzanne Somers

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Suzanne Somers
Si Suzanne Somers noong Mayo 2006
Kapanganakan Suzanne Marie Mahoney
16 Oktubre 1946 (1946-10-16) (edad 67)
San Bruno, California, Estados Unidos
Hanapbuhay Aktres, awtora, negosyante, mang-aawit
Mga taon ng kasiglahan 1963–kasalukuyan
Asawa Bruce Somers (1965–1968)
Alan Hamel (1977–kasalukuyan)
Website
http://www.suzannesomers.com/

Si Suzanne Somers (ipinanganak na Suzanne Marie Mahoney noong 16 Oktubre 1946) ay isang Amerikanang aktres, may-akda, manganganta, at negosyante, na nakikilala dahil sa kanyang mga gampaning pantelebisyon bilang Chrissy Snow sa Three's Company at bilang Carol Lambert noong Step by Step.

Sa pagdaka, si Somers ay naging may-akda ng magkakasunud-sunod na mabiling mga aklat na pantulong sa sarili, kabilang na ang Ageless: The Naked Truth About Bioidentical Hormones (2006), na may kahulugang "Walang Pagtanda: Ang Lantad na Katotohanan Hinggil sa mga Hormonang Magkamukha ang Biyolohiya", isang aklat tungkol sa terapiya ng pagpapalit ng hormonang biyoidentikal.[1] Naglabas din siya ng dalawang mga awtobiyograpiya, apat na mga aklat ng diyeta, at isang aklat ng panulaan na pinamagatang "Touch Me" (1980), na may kahulugang "Hipuin mo Ako".

Kasalukuyan siyang nagtatampok ng mga bagay-bagay na kanyang dinisenyo sa ShopNBC.[kailangan ng sanggunian]

Pinupuna siya dahil sa kanyang mga pananaw sa ilang mga paksang pangmedisina at kanyang adbokasya o pagtatanggol ng Protokolong Wiley, na natatakan bilang "hindi napatunayan ng agham at mapanganib".[2][3] Ang kanyang promosyon o pagtataguyod ng pamalit na mga panlunas ng kanser ay nakatanggap ng kritisismo mula sa Amerikanong Kapisanang Pangkanser.[4]

Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[5]

Mga sanggunian[baguhin]



ArtistaTelebisyonEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Telebisyon at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.