Taeyeon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Kim Tae Yeon (Hangul: 김태연; Hanja: 金太妍; ipinanganak noong March 9, 1989), mas kilala bilang Taeyeon (pagbigkas [tæːjʌn]), ay isang mang-aawit, artista at spokesmodel mula sa Timog Korea. Siya ang kumakatawang lider ng Koreanong girl group na Girls' Generation na binuo ng SM Entertainment noong taong 2007. Nakapagtrabaho na rin siya bilang isang TV presenter, DJ sa Radyo at nagpakita sa mga reality-variety shows, pati na rin ang paggawa ng mga solo singles. Kilala siya bilang Taiyan (Chinese: 太妍; pinyin: Tàiyán) sa China, 泰妍 sa Taiwan.