Tagagamit:Jojit fb

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Wikipedia:Babel
tl Ang tagagamit na ito ay taal na tagapagsalita ng Tagalog.
en-3 This user is able to contribute with an advanced level of English.
Maghanap ng mga wika ng mga tagagamit

Ako ay si Joseph Figueras Ballesteros na nakatira sa Paco, Maynila, Pilipinas. Jojit ang aking palayaw at Jojit fb ang pangalang tagagamit ko dito sa Wikipedia.

Sa akin din ang mga pagbabagong ginawa ng IP na ito: 203.87.140.198, ngunit hindi ko na ito IP simula noong Hulyo 2006. Nagsusulat din ako sa English Wikipedia.

Makipag-ugnayan sa akin (Contact me)[baguhin]

Para sa mga nagsasalita ng Tagalog[baguhin]

Kung nais mo na makipag-usap sa akin tungkol sa mga nagawa ko dito sa Wikipedia na ito, mag-iwan ka ng mensahe sa pahina ng aking usapan. Sa pakikipag-usap sa mga pahina ng mga usapan dito o sa Kapihan, kadalasang mas nais kong makipagtalastasan sa Taglish para mas magkaintindihan tayo ng mabuti. Maaari din naman na magpadala ng e-liham sa akin.

For non-Tagalog speakers[baguhin]

You can leave a message in my talk page and I will answer in English. Alternatively, you can send me an email.

Mga kontribusyon[baguhin]

Kadalasang sinalin ko ng diretso ang mga artikulong sinimulan ko ngunit maaari na may dinagdag ako na wala sa orihinal na artikulo sa Ingles na Wikipedia. At kadalasan din na hindi kumpleto ang pagkasalin at maaari na stub ang artikulo na ginawa ko.

Ang mga sumusunod ay ang mga artikulong sinimulan ko (hindi kasama ang mga artikulong binago ko):

Paalala: Hindi na ako nagtatala ng mga kontribusyon ko pagkatapos ng Abril 2005. Pakipindot na lamang ang link sa kaliwa na may pamagat na "Mga kontribusyon ng tagagamit (user')". Salamat.

Sa pamamagitan ng toolserver, maari mong makita ang bilang at buod ng aking binago. Maaari mo ring makita dito ang mga binago ko sa lahat ng mga proyekto ng Wikmedia

Mga madalas kong gawin dito sa Tagalog Wikipedia[baguhin]

  1. Mga gawaing pang-administratibo katulad ng pag-protekta sa mga pahina at pagharang sa mga nagbabandalismo.
  2. Pagsasalin ng bagong mensahe ng sistema sa Tagalog.
  3. Pagsisimula ng mga ng mga artikulo na kailangan ng lahat ng wika
  4. Pagdagdag ng mga pang-wikang ugnay sa mga pahinang walang mga ugnay pang-wika.
  5. Pagbabawas ng mga kinakailangang mga pahina.
  6. Inaayos ang mga artikulong kailangang isaayos at i-wikify.

Paglahok sa ibang proyekto ng Wikimedia[baguhin]

Maliban sa aking ambag dito sa Tagalog na Wikipedia at sa Ingles na Wikipedia, isa akong burokrata at tagapangasiwa dito sa Tagalog na Wikipedia. Isa rin ako sa mga ingkorporador at katiwala ng Wikimedia Pilipinas, isang sinang-ayunang sangay ng Pundasyong Wikimedia sa Pilipinas. Naging pansamantalang Pangalawang Pangulo ako mula Abril 12, 2010 hanggang Mayo 15, 2010. Noong Mayo 15, 2010, nahalal ako bilang Pangalawang Pangulo ng Sanggunian ng Wikimedia Pilipinas. Magtatapos dapat ang aking termino noong Mayo 22, 2011 ngunit napahaba ito dahil naantala ang halalan at nailipat noong Hulyo 9, 2011. Naging Pangulo ako ng Wikimedia Pilipinas sa kinalabasan ng halalan at natapos ang aking termnio noong Hunyo 2, 2012. Bilang kasapi ng Sanggunian ng mga Katiwala, matatapos ang aking termino sa Hunyo 15, 2013. Paminsan-minsan, nagbibigay ako ng panayam sa iba't ibang mga paaralan o lugar para sa organisasyon.

Ako ay kasapi pa rin ng Wikimedia Pilipinas. Maaari kang makipag-ugnayan sa akin sa jojit﹫wikimedia.org.ph para sa mga alalahanin tungkol sa Wikimedia Pilipinas.

Ang mga ambag ko dito ay hindi isang opisyal na gawain ng Wikimedia Pilipinas, at dapat ituring ang mga pagbabagong ito katulad ng ibang ambag ng ibang mga tagagamit.

Tungkol sa akin[baguhin]

Pinanganak ako sa Pasig, Pilipinas at lumaki ako doon. Taas-noo kong masasabi na nagtapos ako sa mga pampublikong paaralan at pamantasang pang-estado. Nagtapos ako ng elementraya sa Mababang Paaralan ng Pineda, Pasig at sa Mataas na Paaralan ng Rizal, Pasig, na minsang tinuring ng Guiness Book of World Records bilang pinakamalaking paaralan ayon sa laki ng populasyon. Nagtapos naman ako sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Batsilyer sa Pangangasiwa ng Pagproseso ng Datos ng Kompyuter (Bachelor in Computer Data Processing Management).

Ako ay isang Manunuri ng Sistema/Taga-programa ng Web (Systems Analyst/Web Developer) bilang aking propesyon. Madalas akong magbigay ng panayam sa Katolikong Karismatikong Pamayanan ng Flock of the Holy Spirit sa Lungsod ng Pasig, Pilipinas, kung saan ako rin ang Pinuno ng Ministeryo ng Edukasyon at simula noong Enero 1, 2014, isa mga Punong Tagapaglingkod ng pamayanan bilang Lingkod ng mga Kalalakihan.

Asawa ako ni Billie bb, na aktibong kasapi rin ng Wikimedia Pilipinas.

Tingnan din[baguhin]

Panlabas na mga link[baguhin]

Ito ay pahina ng isang tagagamit sa Wikipedia.

Hindi ito isang artikulo ng ensiklopedya. Kung nahanap mo ang pahinang ito sa kahit anumang sayt maliban sa Wikipedia, tinitingnan mo ang isang kasalaming sayt (mirror site). Tandaan na maaaring hindi na bago ang pahina at ang tagagamit na ito'y walang personal na ugnayan sa kahit anumang sayt maliban sa Wikipedia mismo. Ito ang orihinal na pahina: http://tl.wikipedia.org/wiki/Tagagamit:Jojit_fb.