Wikipediang Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tagalog na Wikipedia)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Favicon ng Wikipedia Tagalog na Wikipedia
Tandang pagkakakilanlan ng Tagalog na Wikipedia
URL tl.wikipedia.org
Pang-komersyo? Hindi
Uri ng sayt Proyektong Ensiklopedyang Pang-Internet
Pagrehistro Hindi sapilitan
Mga wikang mayroon Tagalog
May-ari Pundasyong Wikimedia

Ang Tagalog na Wikipedia ay ang edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog na nagsimula noong Disyembre 2003. Mayroon na itong higit sa 23 libong mga artikulo at pang-63 sa talaan ng mga Wikipedia ayon sa dami ng artikulo noong 3 Setyembre 2009. Noong buwan rin na iyon, sa mga wika sa Pilipinas na may edisyon ng Wikipedia, pumapangalawa lamang ito sa Sebwanong Wikipedia (na may higit sa 40 libong mga artikulo) sa dami ng artikulo ngunit mayroon 44 puntos sa lalim ng kalidad laban sa 1 puntos ng Sebwanong Wikipedia at ng Waray-Waray na Wikipedia.

Kontrobersiya sa pangalan ng proyekto[baguhin]

Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista sa Tagalog at Ingles na mga Wikipedia, ang Wikipediang ito na rin ang kumakatawan sa wikang Filipino.[1][2][3] Ayon naman sa Vibal Foundation, isang pundasyon na pinasimunuan ang WikiPilipinas, magkaiba daw ang tinayo nitong wiki na WikiFilipino sa Tagalog na Wikipedia dahil gumagamit ang WikiFilipino ng Filipino at Tagalog naman ang Tagalog na Wikipedia.[4] Ang pagkakaiba o pagkakapareho ng Tagalog sa Wikipedia ang naging sanhi pagtatalo ng mga tagagamit sa pangalan ng proyekto. Nabanggit ang pagtatalong ito sa isang artikulo ng DILA (Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago)[5], isang samahan na pinagsasangalang ang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin]

Sinimulan ang Tagalog Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya, noong Disyembre 2003. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 62,953 mga artikulo.[6] Naging ika-10,000 artikulo ang Bantayan, Cebu noong 20 Oktubre 2007, samantalang ang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 noong 24 Disyembre 2007.[7] Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala ang Pandaka pygmaea noong 11 Marso 2008.[8] Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Tagalog Wikipedia noong 6 Pebrero 2009.[9]

Taong 2011, bahagi ang Tagalog Wikipedia sa proyektong pananaliksik na WikiHistories fellowship ng Wikimedia Foundation. Sinusubok ng proyekto ang paglahad ng mga tagumpay, kabiguan, at pang-araw-araw na pakikibaka ng mga patnugot na nagsusumikap na maging ganap ang pangarap na pandaigdigang pagbabahagi ng kaalaman.[10]

Estadistika[baguhin]

Mga unang hakbang ng Tagalog Wikipedia[baguhin]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Wikipedia:Pamantayang pangwika ; Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay
  2. Wikipedia:Kapihan: "Filipino Wikipedia (na nasa Wikimedia Incubator)"
  3. Kaugnay: The Filipino Wiktionary Debate (formerly It's official) (WP:Tambay Archive14.)
  4. "WikiFilipino, Isang Pagsusuri". Kristine Mandigma. Vibal Foundation. http://www.vibalfoundation.org/?p=16. Nakuha noong 2009-05-15. 
  5. "The Subdialect Filipino". Edwin Camaya. Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago. http://www.dila.ph/subdialect_filipino.pdf. Nakuha noong 2009-05-15. 
  6. Tagalog Wikipedia - unang pahina, isinangguni noong: 20 Oktubre 2007.
  7. 7.0 7.1 Mula sa Announcements (Mga Paunawa) sa Wikipedia:Tambayan ng Ingles na Wikipedia
  8. Mula sa pahina ng usapan ng Pandaka Pygmaea
  9. Tala ng gawain sa Translatewiki.net (Betawiki), noong 6 Pebrero 2009.
  10. Mula sa pahina ng proyekto ng WikiHistories
  11. Pahina ng usapan ng Silindro
  12. Pahina ng usapan ng Unang Aklat ng mga Macabeo
  13. Pahina ng usapan ng Heriyatriko
  14. Pahina ng usapan ng Anak ng Tao
  15. Pahina ng usapan ng Sky Girls
  16. Pahina ng usapan ng Charlottenburg-Wilmersdorf
  17. Pahina ng usapan ng 1714 Sy
  18. Pahina ng usapan ng Ekonometriks
  19. Vitruvio Pahina ng usapan ng Yu-Gi-Oh! Zexal
  20. Vitruvio Pahina ng usapan ng Lalaking Vitruvio
  21. Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia
  22. Wikipedia: Pagbabalik-tanaw sa artikulong Kimika, Marso 25-26, 2008.
  23. Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia.
  24. Mula sa pahinang pangkasaysayan ng Suleras ng Alam Ba Ninyo?
  25. Mula sa kasaysayan ng Wikipedia:Mga pangyayari noong unang panahon
  26. Mula sa kasaysayan ng Unang Pahina