Tamaraw

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Wikipedia:Mga napiling artikuloNapiling Artikulo
Tamaraw
Conservation status
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Pamilya: Bovidae
Subpamilya: Bovinae
Sari: Bubalus
Espesye: B. mindorensis
Pangalang dalawahan
Bubalus mindorensis
(Heude, 1888)
Lugar na tinitirhan ay kulay luntian
Para sa sasakyan, silipin ang Tamaraw FX.

Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae[1] na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito.[2]

Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V.[3] Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa.

Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.

Anatomiya at morpolohiya[baguhin]

Malapitang kuha ng tamaraw.

May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis). Maliit lamang ang pagkakaroon ng dimorpismong sekswal sa uri bagaman naipahayag na may makakapal na mga leeg ang mga lalaki.[4] May karaniwang taas na 100 hanggang 105 sentimetro ang balikat ng tamaraw. 220 sentimetro ang haba ng katawan habang 60 sentimetro ang buntot. Nasa pagitan ng 200 hanggang 300 kilogramo ang timbang ng mga babae. May madilim na pagkakayumanggi hanggang abuhing kulay ang mga nasa hustong gulang na mga tamaraw at mas mabuhok kaysa Bubalus bubalis. Maiikli at matipuno ang mga paa. May makikitang mga mapuputing mga marka sa mga ungguladong paa at sa loob ng mga pang-ibabang binti. Katulad ng sa Anoa Bubalus depressicornis ang mga palatandaang ito. Magkatulad ng kulay ang mukha at katawan. Karamihan sa mga kasapi ng sari ang mayroon magkatambal na mga abuhing-puting guhit na nagsisimula mula sa panloob na sulok ng mata hanggang sa mga sungay. May maitim na balat ang ilong at mga labi. May habang 13.5 sentimetro ang mga tainga na may mapuputing marka sa mga loob. Kapwa nagkakaroon ng maiikling maiitim na mga sungay ang mga lalaki at babae, na sumusunod sa hugis ng titik na V, kung ikukumpara sa hugis C na mga sungay ng Bubalus bubalis. Mga lapad na kapatagan ang mga sungay at tatlusok ang hugis sa pinakapuno. Dahil sa palagian pagkiskis, may gasgas ang panlabas na anyo ang mga sungay ng tamaraw ngunit may magaspang na panloob na mga gilid. Sinasabing may habang mga 35.5 hanggang 51.0 sentimetro ang mga sungay.[5]

Pamamahagi[baguhin]

Unang naitala ang tamaraw noong 1888 sa pulo ng Mindoro. Bago sumapit ang 1900, walang naninirahan sa Mindoro dahil sa malaria. Subalit nang malikha ang mga gamot laban sa malaria, mas maraming mga mamamayan ang nanirahan sa pulo. Lubhang nakapagpababa sa bilang ng mga tamaraw ang pagtaas na gawaing ito ng mga tao.

Pagdating ng 1966, naging tatlong pook na lamang ang nasasakupan ng tamaraw: Bundok Iglit, Bundok Calavite at iba pang mga lugar na malapit sa Pamayanang Penal ng Sablayon. Noong 2000, mas lalong nabawasan ang kanilang nasasakupan sa dalawang pook: ang mga Liwasang Pambansa ng Bundok Iglit-Baco at Aruyan.[6]

Noong mga unang panahon ng mga dekada ng 1900, nasa 10,000 mga indibidwal ang unang mga tayang bilang ng Bubalus mindorensis sa Mindoro. Makalipas ang may mga limampung taon pagkatapos, bumaba ang populasyon sa may mga sanlibong indibidwal. Noong 1953, kulang sa 250 mga hayop ang tinatayang nabubuhay pa.[7] Lumiit pa ang mga tayang bilang na ito hanggang sa paglalathala ng IUCN ng kanilang 1969 Red Data Book (Aklat ng Pulang Data ng 1969), kung saan itinala na ang bilang ng tamaraw sa nakababahalang bilang na mababa sa 100 mga ulo.[8] Tumaas ang bilang ng ulong ito sa 120 mga hayop noong 1975.[9] Nilalagay mula sa mga tatlumpo hanggang dalawandaang indibidwal ang kasalukuyang tayang bilang ng mga tamaraw na nasa kalikasan.[2]

Ekolohiya at kasaysayan ng buhay[baguhin]

Bilang isang bihira at endemikong mamalya na nasa isang pulong tila nahihiwalay at malayo, hindi gaanong malaki ang gawaing pagaaral at pagtatala hinggil sa ekolohiya ng tamaraw. Malaking dahilan nito ang katotohanang palatago at mahiyain sa tao ang mga indibidwal na kasapi ng uri. Bilang karagdagan, ang mga maliliit na bilang ng subpopulasyon ng uri, na manipis na ang pagkakakalat sa kabuoan ng nahahating mga nasasakupan (noong 1986, may natagpuang mga 51 indibidwal sa loob ng isang 20 kilometrong-parisukat na pook),[10] ang nakapagpapahirap at nakapagpapabihira pa sa maaaring pagkakatagpo ng higit man sa isang nag-iisang indibidwal.

Tirahan[baguhin]

Ibig ng Bubalus mindorensis ang manirahan sa mga lugar na tropikal, mataas at magubat. Karaniwan itong matatagpuan sa mga makakapal na talahiban o palumpungan na malapit sa mga bukas ngunit nasisilungang mga damuhan kung saan maaari itong manginain ng damo. Dahil sa mga tirahan ng mga tao at ang mga sumusunod na mga hati-hating kagubatan sa kanilang tahanang pulo sa Mindoro, ang ginugustong tirahan ng tamaraw ay tila lumawak sa mga mas mababang kapatagang may damo. Sa loob ng kanilang bulubunduking kapaligiran, kadalasang matatagpuan ang mga tamaraw hindi malayo sa mga pinagkukunan ng tubig.[2][6]

Ekolohiya ng panginginain (ekolohiyang trophiko)[baguhin]

Ang tamaraw ay isang tagapanginain ng mga damo at mga murang usbong ng mga kawayan bagaman kilala ito bilang mahilig sa damong kogon at talahib (Saccharum spontaneum). Likas silang mga organismong diurnal, na nanginginain tuwing sa mga oras na may liwanag. Subalit, kamakailan lamang ang mga gawain ng mga tao ang nakapuwersa sa mga piling indibidwal na B. mindorensis na maging mga nokturnal upang maiwasan ang mga tao.[3]

Kasaysayan ng buhay[baguhin]

Nalalaman na ang tamaraw ay nabubuhay ng hanggang 300 araw lamang matapos ipagdalang-hayop sa loop ng sinapupunan.[11] Mayroong dalawang taong pagitan sa bawat pagluluwal bagaman napagmasdang ang isang babaeng tamaraw na may tatlong batang mga supling. Namumuhay na kasama ng kaniyang ina ang batang baka sa loob ng mga 2-4 taon at namumuhay nang mag-isa pagkatapos.[3]

Ekolohiya ng pag-uugali[baguhin]

Ang tamaraw ay isang mapag-isang hayop at hindi tulad ng kalabaw. Ang mga matatandang miyembro ay hindi napapabilang sa mga malalaki o maliliit na grupo at nakikita lamang na mag-isa. Ang mga bata o juvenile lamang ang nagpapakita ng ugaling nakikita sa mga kalabaw tulad ng pagrugrupo at hiyararkiya.[12] Ang mga babae at lalaking tamaraw ay nagsasama sa buoung taon ngunit ang pagsasamang ito ay tumatagal lamang ng kaunting oras lamang. Maaring ang pag-iisang ito ay isang kasanayan na sa magubat nitong tahanan.[3] Ang mga matatandang lalaki ay mapg-isa at mukhang agresibo at ang mga babae naman ay maaring nagiisa, may kasamang lalaki o mayroong tatlong anak na magkakaiba ang edad.[10]

Mahilig magtampisaw ang tamaraw sa putik tulad ng ibang bovine. Sinasabing ang ugaling ito ay gingamit upang matanggal ang mga nangagagat na kulisap.[13]

Isa pang natatanging ugali ng B. mindorensis ay ang kanilang pagiging mabangis. May mga ulat ukol sa kanilang kabangisan lalo na pap pinuwersa sa isang sulok subalit hindi mapatunayan ang karamihan sa mga ito. Maraming makikitang palatandaan sa paghahanda ng tamaraw sa pag atake. Una dito ay ang pagbaba ng ulo at paglagay ng mga sungay sa isang nakatayong posisyon. Sinasamahan din ito ng pagwasiwas ng ulo.[5]

Kasaysayang pang-ebolusyon[baguhin]

Ang presensiya ng B. mindorensis sa isla ng Mindoro, kasama ng pagkatuklas ng fossil na bubalid sa iba pang bahagi ng kapuluan ay nagsasabing ang pamilya ng tamaraw ay matatagpuan sa malaking bahagi ng Pilipinas noong sinaunang panahon.[14][15] Ang mga fossil na nakita noong ika-20 na siglo ay nagpapakita na ang B. mindorensis ay matatagpuan sa isla ng Luzon noong Panahon ng Pleistocene.[16]

Ang tamaraw, bilang miyembro ng pamilyang Bovidae, ay pinakamalapit sa wangis sa Bubalus bubalis at ito ay napatunayan na sa iba't ibang panahong nakalipas. Tinukoy rin ito bilang Anoa bubalis mindorensis, isang suburi ng B. bubalis (na tinawag ring Anoa bubalis).[17] Isang pag-aaral sa Henetiks ng iba pang miyembro ng pamilya ay nagpapalakas sa ideyang ito.[18]

Etimolohiya at kasaysayang pang-taksonomiya[baguhin]

Ang tamaraw as dating tinawag na Anoa mindorensis ng Pranses na soologong si Pierre Marie Heude noong 1888. Tinawag rin itong Anoa bubalis mindorensis, suburi ng pantubig na buffalo Anoa bubalis noong 1958.[17] Ang tamaraw ay itinaas sa pagiging uri bilang Anoa mindorensis noong 1969.[19]

Ang mga karagdagang pag-aaral ay nagpakita na ang saring Anoa ay napapaloob sa saring Bubalus. Dahil dito ang paguuring pang-agham ng tamaraw ay napalitan ng Bubalus mindorensis (sometimes referred to as Bubalus (Bubalus) mindorensis).[20]

Ang pangngalang tamaraw ay may iba't ibang pagbigkas tulad ng tamarau, tamarou at tamarao. Sinasabi ring ang salitang tamaraw ay galing sa ugat na tamadaw na maaring isa pang pangalan para sa Banteng (Bos javanicus).[21]

Konserbasyon at pangangalaga[baguhin]

Maliit na grupo ng tamaraw.

Ang tamaraw ay nangaganib dahil sa endemiko at bihirang panlupang mammal ito. Sa ngayon, ito ay nakalista bilang labis na nanganganib na uri mula pa noong taong 2000 sa Pulang Listahan ng IUCN ng nangaganib na uri. Ang pagkakaalam ng konserbasyon ng pangagalaga ng Bubalus mindorensis ay nagmula pa noong 1965 kung saang inuri ito bilang Status inadequately known ng IUCN. May sapat na datos na tungkol sa dami ng tamaraw noong 1986.[22] Ang Sentro ng pagmanman ng konserbasyon ng IUCN ay nagsabi na ang uri ay labis na nanganganib. Nakita sa mga sumusunod na mga survey noong 1988,[23] 1990,[24] 1994[25] at 1996 na ang uri ay patuloy na nasa Pulang listahan ng mga uring nanganganib. Ang pagtala noong 1996 ay nakamit ang mga krayteryang B1+2c at D1 ng IUCN. Ang Krayteryang B1 ay nagsasabi na ang uri ay nakatira lamang sa isang lugar na mas maliit pa sa 500 sq. km. at makikita lamang sa mga lugar na hindi hihigit sa lima. Ang kapansinpansin sa pagbaba ng populasyon ay ang nagkamit sa sub-krayteryon na 2c, naipapakita rin ito ng nagiisang habitat ng population. Ang Krayteryon D1 ay nagsasabi na dapat ang populasyon ay mas mababa pa sa 250 na mga matatandang miyembro. Ang talaan ng dami ng populasyon ng B. mindorensis noong sinukat ito ay mas mababa kaysa ngayon.[26] Nilista na mas malubha na Krayterya na C1 ang tamaraw noong taong 2000. Ito ay dahil sa mga pagaaral na nagsasabing mas bababa pa sa 20% ang populasyon sa loob ng limang taon o kaya sa loob ng dalawang henerasyon.[2][27]

May maraming dahilan sa pagbaba ng populasyon ng tamaraw. Ang tamaraw ay napwepwersa ng mga gawain ng mga tao sa Mindoro sa loob ng siglong ito. Ang paglagay ng mga hindi native na mga baka noong dekada 30 ay nagdulot ng isang malubhang epidemiko ng rinderpest sa mga libo-libong tamaraw. Ang pangagaso ng mga tamaraw para sa pagkain ay nakabawas din ng dami nito. Subalit ang pinakamalubhang panganib sa buhay ng mga tamaraw ay ang pagkawala ng tirahan dahil sa pagtayo ng imprastraktura, pagtrotroso at agrikultura. Dahil sa mga ito, ang dami ng mga tamaraw ay bumaba mula libo-libo noong dekada ng 1900 hanggang s 300 na lang noong 2007.[2][3]

Maraming batas sa Pilipinas ang pinatupad at mga organisasyon ay ginawa upang tumulong sa konserbasyon ng mga uri. Ang Pagpapatupad Komonwelt bilang 73 noong 1936 ay pinatupad ng Komowelt ng Pilipinas. Ang akto ay nagbabawal sa pagpatay, pagsugat o pangagaso ng tamaraw maliban na lang kung inatake o dahil sa pang-agham na pagaaral. Ang parusa ay pagkakulong at pagbayad ng mabigat na multa.[28]

Noong 1979, may isang executive order ang pinirmahan upang makagawa ng isang komite para sa konserbasyon ng tamaraw. Ang tamaraw ay tinawag na "source of national pride" sa E.O.[29] Ang Proyekto sa Konserbasyon ng Tamaraw ay ginawa rin noong 1979. Ang Organisasyon ay napasilang ng tamaraw na tinatawag na Kali noong 1999.[3] Noong 2001, pinatupad ang Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na nagbabawal ng pagbenta at pangagaso ng mga tamaraw at iba pang mga edimikong uri.[30] Nagtayo ng isang gene pool noong dekada '70 upang maparami ang dami ng mga tamaraw. Sa ngayon ay si Kali at ang nanay nitong si "Mimi" na lamang ang natitira sa proyektong ito. Hindi na ito pinalawig pa ng dahil ang Protected Areas and Wildlife Bureau ay nagsasabing dumadami na ang mga tamaraws sa labas ng proyekto. Ang kloning ay gusto ring ipatupad ngunit ito ay pinigilan ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan dahil bababa raw ang genetic diversity ng uring.[31]

Mayroong subpopulasyon ng mga tamaraw sa Mt. Iglit Game Refuge and Bird Sanctuary sa isla ng Mindoro.[12]

Noong Mayo 2007, ang Bubalus mindorensis ay nasa Appendix I na ng Convention on International Trade in Endangered Species kung saan ang uri ay nilista pa noong 7 Enero 1975. Sinasabi sa listahan na ang uri ay lubhang nanganganib at maari nang mawala. Dahil dito, ang internasyonal na pagbebenta ng bahagi ng tamaraw tulad ng karne at sungay ay ilegal na. Ang pangkalakalan (commercial) na pagbenta ay bawal ngunit ang paglipat na di-pangkalakalan (commercial) tulad ng pang-agham na pag-aaral ay hindi pinagbabawal.[32][33]

Kahalagahang pantao[baguhin]

Halaga sa kabuhayan at komersyalismo[baguhin]

Ang tamaraw ay hindi masyadong sinasamantala tulad ng ibang mga malalaki at nanganganib na mga mammal, subalit ang mga tamaraw sa Mindoro ay hinuhuli sa pangagaso bago pa nagkaroon ng konserbasyon ng tirahan nito sa huling limang dekada ng ika-20 na siglo. Ang B. mindorensis ay hinuhuli dahil sa karne ito. Sinasab ng IUCN na tuloy pa rin ang pangangaso ayon sa Ulat ng Pulang Listahan noong taong 2006.[2]

Sa kalinangan ng Pilipinas[baguhin]

Ang Talon Tamaraw

Ang kalabaw ay ang pambansang hayop ng Pilipinas,[34] ngunit sinasabi ring ang tamaraw ay isang pambansang simbolo din ng Pilipinas. Ang tamaraw ay makikita sa isang piso noong dekada '80 at dekada '90.[35]

Noong 2004 ay pinatupad ang Proklamasyon Blg. 692 nagtala na ang Oktubre 1 ay gawing isang holiday na may trabaho sa probinsiya ng Occidental Mindoro. Ito ay kasama ng Buwan ng konserbasyon ng Tamaraw at nagpapaalala sa mga tao ng Mindoro ng kahalagahan ng pagpapanatili ng mga tamaraw at ang tirahan nito.[36]

Noong dekada '70, ang Toyota Motors, sa pamamagitan ng Delta Motors na sarado na ngayon, ay gumawa ng Tamaraw AUV (Asian Utility Vehicle). Dahil sa tibay at simple nitong dibuho ay may natitira pang ganito hanggang ngayon. Kinopya rin ito ng iba pang mga kompanya tulad ng Ford, General Motors, sa pamamagitan ng Francisco Motors; aat Nissan, sa pamamagitan ng Universal Motors. Dahil sa AUV ito ng Toyota, ang dibuho nito ay nahahawig sa Toyota Kijang ng Indonesia. Ang Toyota ay may pangkat ng manlalaro ng basketball sa Philippine Basketball Association bilang Toyota Tamaraws.

Ang AUV ay naging tanyang noong dekada '90 at pinalabas ng Toyota ang Tamaraw FX sa Pilipinas. Ginagamit ito ngayon ng mga driber ng taxi. Ang FX ngayon ay naging Revo.

Ang tamaraw ay mascot ng mga varsity teams ng Far Eastern University (FEU Tamaraws) sa University Athletic Association of the Philippines, at ng Toyota Tamaraws ng Philippine Basketball Association.

Ang Talon ng Tamaraw (Tamaraw Falls) sa Barangay Villaflor, Puerto Galera ay pinangalang sa tamaraw.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Bubalus mindorensis (TSN 625123). Integrated Taxonomic Information System. Hinango noong Marso 17 2007.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 IUCN2006
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Fuentes, Art (2005-02-21). "The Tamaraw: Mindoro's endangered treasure". Haribon. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources. http://www.haribon.org.ph/index.php?q=node/view/130&PHPSESSID=f07b7a39774972130ec811e029e12f5d. Hinango noong 2007-03-17. 
  4. "Tamaraw bubalus mindorensis Heude, 1888". wildcattleconservation.org. http://www.wildcattleconservation.org/SpeciesFactSheets/bubalus-mindorensis.htm. Hinango noong 2007-07-12. 
  5. 5.0 5.1 Huffman, Brent (2 Enero 2007). "Bubalus mindorensis: Tamaraw" (html). www.ultimateungulate.com. Ultimate Ungulate.com. http://www.ultimateungulate.com/Artiodactyla/Bubalus_mindorensis.html. Hinango noong 17 Marso 2007. 
  6. 6.0 6.1 Massicot, Paul (5 Marso 2005). "Impormasyon ng Hayop - Tamaraw" (htm). Animal Info. http://www.animalinfo.org/species/artiperi/bubamind.htm. Hinango noong 18 Marso 2007. 
  7. Kuehn, David W. (1977). "Increase in the tamaraw". Oryx 13: 453 pp.. ISSN: 0030-6053 / EISSN: 1365-3008. 
  8. International Union for the Conservation of Nature and Natural Resources (1969). 1969 IUCN 1969 Red Data Book. Vol. 1 - Mammalia. Morges, Switzerland: IUCN. 
  9. "Major effort to save the tamaraw". Oryx 23: 126 pp.. 1989. ISSN: 0030-6053 / EISSN: 1365-3008. 
  10. 10.0 10.1 Nowak, Ronald M. (1999). Walker's Mammals of the World. JHU Press. pp. 1149. ISBN 0801857899. http://books.google.com/books?id=7W-DGRILSBoC&pg=PA1149&dq=tamaraw+solitary&sig=WIQZJ3tj64zpLDMkLoPnyNL890E. 
  11. Ageing, longevity, and life history of Bubalus mindorensis. Tiningnan noong 5 Marso 2007
  12. 12.0 12.1 Kuehn, David W. (Setyembre 1986). "Population and Social Characteristics of the Tamarao (Bubalus mindorensis)". Biotropic 18 (3): 263-266. doi:10.2307/2388495. http://links.jstor.org/sici?sici=0006-3606(198609)18%3A3%3C263%3APASCOT%3E2.0.CO%3B2-C#abstract. Hinango noong 2007-03-17. 
  13. McMillan, Brock R.; Michael R. Cottam, Donald W. Kaufman (Hulyo 2000). "Wallowing Behavior of American Bison (Bos bison) in Tallgrass Prairie: An Examination of Alternate Explanations". American Midland Naturalist (The University of Notre Dame) 144 (1): 159-167. http://links.jstor.org/sici?sici=0003-0031%28200007%29144%3A1%3C159%3AWBOAB%28%3E2.0.CO%3B2-O&size=LARGE. Hinango noong 2007-03-17. 
  14. Croft, Darin A.; Lawrence R. Heaney, John J. Flynn, Angel P. Bautista (03-08-2006). "Fossil remains of a new, diminutive Bubalus (Artiodactyla: Bovidae: Bovini) from Cebu island, Philippines". Journal of Mammalogy (American Society of Mammalogists) 87 (5): 1037. doi:10.1644/06-MAMM-A-018R.1. http://www.bioone.org/perlserv/?request=get-abstract&doi=10.1644%2F06-MAMM-A-018R.1. Hinango noong 2007-03-17. 
  15. Burton, J. A.; S. Hedges, A. H. Mustari (2005). "The taxonomic status, distribution and conservation of the lowland anoa Bubalus depressicornis and mountain anoa Bubalus quarlesi". Mammal Review 35 (1): 25-50. doi:10.1111/j.1365-2907.2005.00048.x. http://www.blackwell-synergy.com/doi/abs/10.1111/j.1365-2907.2005.00048.x?journalCode=mam. Hinango noong 2007-03-17. 
  16. Beyer, H. O. (1957). "New finds of fossil mammals from the Pleistocene strata of the Philippines". Bulletin of the National Research Council of the Philippines (National Research Council of the Philippines) 41: 220-238. 
  17. 17.0 17.1 Bohlken, H. (1958). "Vergleichende Untersuchungen an Wildrinden (Tribus Bovini Simpson, 1945)". Zoologische Jahrb cher (Physiologie) 68: 113-202. 
  18. Wall, David A.; Scott K. Davis, Bruce M. Read (Mayo 1992). "Phylogenetic Relationships in the Subfamily Bovinae (Mammalia: Artiodactyla) Based on Ribosomal DNA". Journal of Mammalogy (American Society of Mammalogists) 73 (2): 262-275. doi:10.2307/1382056. http://links.jstor.org/sici?sici=0022-2372(199205)73:2%3C262:PRITSB%3E2.0.CO;2-I. Hinango noong 2007-03-17. 
  19. Groves, C. P. (1969). "Systematics of the anoa (Mammalia, Bovidae)". Beaufortia 223: 1-12. 
  20. "Bubalus mindorensis". Mammal Species of the World (MSW). Smithsonian National Museum of Natural History. 1993. http://nmnhgoph.si.edu/cgi-bin/wdb/msw/names/query/14224. Hinango noong 2007-03-17. 
  21. Blust, Robert (2005). "The History of Faunal Terms in Austronesian Languages". Oceanic Linguistics 41: 89-140. http://muse.jhu.edu/journals/oceanic_linguistics/v041/41.1blust.pdf. Hinango noong 2007-03-19. 
  22. IUCN Conservation Monitoring Centre (1986). 1986 IUCN Red List of Threatened Animals.. Gland, Switzerland and Cambridge, UK.: IUCN. 
  23. IUCN Conservation Monitoring Centre (1988). 1988 IUCN Red List of Threatened Animals.. Gland, Switzerland and Cambridge, UK.: IUCN. 
  24. IUCN (1990). 1990 IUCN Red List of Threatened Animals.. Gland, Switzerland: IUCN. 
  25. Groombridge, B. (1994). 1994 IUCN Red List of Threatened Animals.. Gland, Switzerland: IUCN. 
  26. Groombridge, B.; Baillie, J. (1996). 1996 IUCN Red List of Threatened Animals.. Gland, Switzerland: IUCN. 
  27. Hilton-Taylor, C. (2000). 2000 IUCN Red List of Threatened Species.. Gland, Switzerland and Cambridge, UK.: IUCN. 
  28. "An act to prohibiting the killing, hunting, wounding or taking away of Bubalus mindorensis, commonly known as tamaraw" (html). Commonwealth Act No. 73. National Assembly of the Philippines. 1936-10-23. http://www.lawphil.net/statutes/comacts/ca_73_1936.html. Hinango noong 2007-03-18. 
  29. Marcos, Ferdinand E. (1979-07-09). "Creating a presidential committee for the conservation of the tamaraw, defining its powers and for other purposes" (html). Executive Order No. 544. Republic of the Philippines. http://www.lawphil.net/executive/execord/eo1979/eo_544_1979.html. Hinango noong 2007-03-18. 
  30. "REPUBLIC ACT NO. 9147" (htm). http://www.pcsd.ph/Related%20Laws/republic_acts/ra9147.htm. Hinango noong 2007-03-05. 
  31. "Philippines : Endangered Tamaraws breed in the wilds again" (html). http://ecologyasia.com/news-archives/2005/oct-05/inq7_051023_1.htm. Hinango noong 2007-03-08. 
  32. CITES (2007-05-03). "Appendices" (shtml). Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna. http://www.cites.org/eng/app/appendices.shtml. Hinango noong 2007-08-03. 
  33. UNEP-WCMC. "Bubalus mindorensis". UNEP-WCMC Species Database: CITES-Listed Species. United Nations Environment Programme - World Conservation Monitoring Centre. A-119.009.004.003. http://sea.unep-wcmc.org/isdb/CITES/Taxonomy/tax-species-result.cfm?displaylanguage=eng&Genus=Bubalus&Species=mindorensis&source=animals&Country=PH. Hinango noong 2007-08-03. 
  34. "Philippines Independence Day Celebrations". National Symbol. 123independenceday.com. http://www.123independenceday.com/philippines/national/symbols/. Hinango noong 2007-03-29. 
  35. Breithaupt, Jan (2003-04-29). "Bubalus mindorensis, Philippines". EcoPort Picture Databank. EcoPort. http://ecoport.org/ep?SearchType=pdb&PdbID=32573. Hinango noong 2007-03-29. 
  36. Government of the Republic of the Philippines (2004-08-13). Proclamation No. 692. Pagpapalabas ng balita. Hinango noong 28 Hulyo 2007.

Bibliyograpiya[baguhin]

Mga panlabas na kawing[baguhin]

Silipin din[baguhin]