Tanging Yaman (teleserye)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tanging Yaman
TangingYamanTV.jpg
Pagpapakita ng ilang mga tauhan ng serye (mula sa kaliwang taas pababa): Melissa Ricks bilang Isabel Jacinto, Rowell Santiago bilang Pangulo Juan Policarpio, Agot Isidro bilang Unang Ginang Marcela Policarpio, at Erich Gonzales bilang Josefina "Fina" Dimaguiba/Policarpio
Uri Dramang pampolitika, Romansa
Gumawa Jesuit Communications Foundation
Pinangungunahan ni Erich Gonzales
Enchong Dee
Ejay Falcon
Melissa Ricks
Matt Evans
Pambungad na tema "Tanging Yaman" ni Agot Isidro
Pangwakas na tema "Hindi Na Bale" ni Bugoy Drilon
Bansang pinagmulan Watawat ng Pilipinas Pilipinas
Wika Filipino/Tagalog, Ingles
Paggawa
Lokasyon Watawat ng Pilipinas Pilipinas
Oras ng pagpapalabas 30 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan ABS-CBN
Banghay ng larawan 480i SDTV
Orihinal na pagtakbo 11 Enero 2010 – 21 Mayo 2010
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang Tanging Yaman ay isang Pilipinong dramang pampolitika na kasalukuyang ipinalalabas sa ABS-CBN Primetime Bida. Kasama sa serya ang mga aktor at aktres na sila Erich Gonzales, Enchong Dee, Ejay Falcon, Melissa Ricks, Matt Evans, at iba pang mga kilalang Pilipinong aktor at aktres.[1][2][3]

Paglikha[baguhin]

Kinaroroonan[baguhin]

Ang paglikha ng serye ay nagsimula noong Oktubre 2009. Ito ay ginanap sa iba't ibang lugar sa Maynila, Pilipinas at karamihan ng mga kuha ay kinuhanan sa Coconut Palace, ang nagsisilbing tirahan ng Pangulo na humahalili sa Malacañang

Kuwento[baguhin]

Ito ay tungkol sa mag-ama

Sinopsis[baguhin]

Habang nasusunong ang isang pagamutan, si Marcela ay nanganak nang hindi sinasadya sa isang batang babae. Si Soledad din ay nanganak ngunit namatay matapos. Nagkagulo at nahiwalay si Marcela sa kanyang anak. Ang kanyang anak ay nasa tabi ni Soledad at dumating si Marina, ang anak ni Soledad. Sa pag-iisip na ang kanyang nakababatang kapatid ang nasa tabi ni Soledad, kinuha niya ang sanggol palabas ng nagkakagulong pagamutan. Samantala, pinakiusapan ni Marcela si Emil na hanapin ang kanyang kasisilang na sanggol. Sa kasamaang palad, ito'y kinamatay ni Emil na nagdulot ng pagka-biyuda ni Leona at pagkawala ng ama ni Isabel. Habang inililigtas ni Apol, asawa ni Soledad ang ibang tao at mga kapamilya niya sa kapamahakan, nakakita siya ng mananakaw na pera sa isang tabi. Inakala niyang makatutulong ito nang sobra sa kanyang pamilya, ngunit nahuli siya ng pulis. Nang tumigil ang sunog, binigyan ni Solomon "Sol" Buenavista si bumbero Juan Policarpio ng pasasalamat nang inakala niyang iniligtas niya ang mga tao sa pagamutan, kasama na mismo si Solomon. Hindi nag-atubiling bigyan si Juan ng isang bagong bahay na kasama ng isang pangako na gagawin niya ang lahat para maalis siya sa kahirapan. Sa kabaligtaran, si Marina at ang sanggol na anak ni Marcela na si Fina ay nakaranas ng pinakamasamang malas sa mundo. Bukod sa papgiging alipin bigla, napunta sila sa pangangalaga ng ama ni Epi.

Nagyon na si Juan ay nagiging kilala sa masa, si Sol, na isang umuusbong na politiko ng bansa ay nagdesisyon na kumbinsihin si Juan (na senador noon na tatako sa pagkapangulo) na maging kanyang kasama para matupad ang kanyang inaasam. At sa inaasahan ni Sol, ang kanilang pagsasama ay naging kilala sa masa na ang kinalabasan ay ang dating bumbero ay naging Pangulo ng Pilipinas. Ngunit sa kanyang napakalaking kapangyarihan, si juan ay nananatiling mapagkumbaba at mabait sa lahat ng oras. Sa kabilang dako, si Isabel ang naging Unang Anak at sina Isabel at Fina ay natanggap sa parehong pamantasan at mula noon, ang kanilang hiwalay na kuwento at nagsimula.[4]

Mga tauhan at mga gumanap[baguhin]

Unang Pamilya[baguhin]

  • Pangulo/Presidente Juan Policarpio (Rowell Santiago): Ang tunay na ama ni Fina, si juan ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas sa kuwento. Dati siyang bumbero nang siya ay inakalang sumagip ng maraming tao sa nasusunog na pagamutan ni Solomon. Kasama ni Sol, sila ay tumakbo sa pagkapangulo at pagka-ikalawang pangulo at sila ay nanalo. Bilang ang pangulo, si Juan ay nagiging mabait at mapagkumbaba sa lahat, kasama na ang kanyang pamilya. Ngunit nagkaroon ng galit siya sa kanyang kapatid na si Leona. Sa kabanata 79 o 80 na pribyu, si Juan ay binaril ng isang taong 'di kilala (sa ngayon).
  • Unang Anak Josefina "Fina" Dimaguiba/Policarpio (Erich Gonzales): Siya ay isang mahirap ngunit matatag na babae na ang tunay na anak nila Juan at Marcela.
  • Isabel Policarpio-Jacinto (Melissa Ricks): Siya ang naging Unang Anak bago dumating si Fina.
  • Abogado Leona Policarpio-Jacinto (Mylene Dizon): Siya ay ina ni Isabel.
  • Emilio "Emil" Jacinto (Kier Legaspi): Siya ang asawa ni Leona na namatay sa sunog sa pagamutan dahil sa kahahanap ng anak ni Marcela.

Mga Sanggunian[baguhin]

  1. Siazon, Rachelle (2009-11-21). "ABS-CBN unveils 2010 show line-up". Showbuzz Feature. ABS-CBN News. http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/5670/ABS-CBN-unveils-2010-show-line-up.aspx. Nakuha noong 2009-12-15. 
  2. Tanging Yaman: Feature Article retrieved via www.abs-cbn.com 01-11-2010
  3. Tanging Yaman: Cast and Character retrieved via www.abs-cbn.com 01-11-2010
  4. http://www.abs-cbn.com/Weekdays/episode/detail/article/6253/tangingyaman/Episode4.aspx