Tanpopo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Tanpopo (タンポポ, dandelyon) ay ang kaunaunahang opisyal na subroup ng Morning Musume. Ang grupo ay umawit ng mga mababagal at magulang na awitin, ngunit sa paglipas ng panahon, nag-iba ang istilo ng kanilang pag-awit. Hinawak sila ng produsyer na si Tsunku at ng kompanyang Hello! Project.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang grupo ay binuo ng mga miyembro ng Morning Musume, na sina Aya Ishiguro, Kaori Iida, at Mari Yaguchi, noong Nobyembre 1998. Nag-isip ang tatlo ng pangalan para sa kanilang bagong grupo. Nagpasiya ang tatlo na gamitin ang pangalang tanpopo (蒲公英), dandelion sa Wikang Ingles, na siyang inimungkahi ng isang tagahanga. Ang mga pangalang naging kandidato bilang pangalan ng grupo ay ang mga sumusunod:

  • 3/8
  • 3HIPS
  • Superman 3 (スーパーマン3)
  • CRAY (クレイ)
  • Suu Man (スーマン)
  • Super Mansion ng mga Single (スーパーマンション単騎)
  • Hostess (ホステス)
  • Charm Baby (チャームベイベー)
  • Triple J (トリプルージュ)
  • 1999 (ナインティンナインティンナイン)
  • Daichūshō (大中小)
  • LMS
  • 6cups
  • Super Three Hips (スーパースリーヒップス)
  • Akubi (あくび)

Panahon ng Unang Henerasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kanilang unang single na "Last Kiss" ay may seksing vibe, na kanila ring gagamitin sa kanilang pangalawang awitin at unang album. Ngunit nag-iba ang imahe ng grupo at ang istilo ng mga awitin noong inilabas ang kanilang pangatlong single. Ang "Tanpopo" ay nagbigay ng maaliwalas at sariwang imahe sa grupo, pero hindi ito naging patok sa kanilang mga tagahanga.

Pagkatapos ilabas ng grupo ang kanilang pang-apat na single noong Oktubre 20, taong 1999, umalis sa grupo si Aya noong siya ay nagtapos sa grupong Morning Musume. Ang mga naiwan ay nagpatuloy pa ring magtanghal sa mga konsieyrto't mga palabas bilang Tanpopo. Nang mabawasan ang Unang Henerasyon, ang mga natira ay sinabing Henerasyong 1.5.

Pagpasok ng Ikalawang Henerasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Hunyo 2000, siyam na buwan ang nakalipas, pumasok sina Rika Ishikawa at Ai Kago sa grupo. Naging apat ang dating grupong may dalawang miyembro. Nag-iba ulit ang istilo ng pag-awit ng grupo noong inilabas nila ang panlimang awitin ng grupo, ang "Otome Pasta ni Kandō." Ang kanilang awitin na ito ay naging katulad ng mga awitin ng pangunahing grupo ng Hello! Project, ang Morning Musume.

Pagkatapos nito, nagsimula silang maghayag sa himpilan ng radyo sa tulong ng TBS. Ang kanilang palabas na Tanpopo Henshūbu OH-SO-RO! ay nagsimula noong Oktubre 3. Hindi ito ang unang beses na naghayag ang grupo sa isang estasyon ng grupo. Ang Unang Henerasyon ay naghayag sa dalawang palabas, sa tulong ng estasyong Nippon Hōsō.

Ang pampitong single ng grupo, na may pangalang "Ōjisama to Yuki no Yoru," ay ang kaunaunahang awiting ng grupo na pumasok sa Oricon Charts sa unang puwesto. Ang magandang balitang ito ay sinundan naman ng isang nakakalungkot na balita. Sina Kaori, Mari, at Ai ay aalis sa grupo at papalitan.

Noong Setyembre 2002, nagtapos sina Kaori, Mari, at Ai sa grupo. Maraming hindi natuwa sa kanilang pagtatapos. Dahil dito, sa kanilang konsiyertong pagtatapos (o graduation concert), ang mga tagahanga ay nagwagayway ng mga dilaw na lightstick habang nagtatanghal ang grupo.

Ang Katapusan ng Grupo[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilagay kaagad ang Ikatlong Henerasyon ng grupo na sina Asami Konno at Risa Niigaki ng Morning Musume, at Ayumi Shibata ng Melon Kinen-bi pagkatapos umalis ng tatlong nagtapos. Pagkatapos silang mabuo, kaagad rin silang naglabas ng single, na may pangalang "Be Happy Koi no Yajirobee", noong ika-26 ng Setyembre.

Ngunit, pagkatapos niyon, hindi na sila ulit naglabas ng mga bagong single o album. Sila ay nagtatanghal lamang sa mga konsiyerto, inaawit ang mga lumang awitin ng grupo, at naghahayag sa kanilang programa sa radyo. Pero sa pagdating ng Setyembre 2003, tinigal na ang kanilang palabas sa radyo at ang grupo ay mukhang huminto na, sa paggawa at pagtatanghal ng kanilang mga awitin.

Noong Hulyo 23, 2006, nagtapos si Asami sa grupong Morning Musume at sa kompanyang Hello! Project. Dahil dito, ang kanyang pangalan sa profile ng grupo, na makikita sa opisyal na websayt ng kompanya, ay inialis. Ngunit wala pang balita ang nagsasabi sa muling pagbangon ng grupo.

Ang mga miyembro[baguhin | baguhin ang batayan]

Unang Henerasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

(Nobyembre 1998 - Oktubre 1999)

Henerasyong Isa't Kalahati[baguhin | baguhin ang batayan]

(Oktubre 1999 - Hunyo 2000)

Ikalawang Henerasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

(Hunyo 2000 - Setyembre 2002)

Ikatlong Henerasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

(Setyembre 2002 - Hulyo 2006)

Henerasyong Tatlo't Kalahati[baguhin | baguhin ang batayan]

(Hulyo 2006 - Kasalukuyan)

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga album[baguhin | baguhin ang batayan]

# Pamagat ng album Inilabas noong
1 Tanpopo 1 1999-03-31
2 All of Tanpopo (All of タンポポ) 2002-09-04

Mga single[baguhin | baguhin ang batayan]

# Pamagat ng single Inilabas noong
1 "Last Kiss" (ラストキッス) 1998-11-18
2 "Motto" (もっと) 1999-03-10
3 "Tanpopo" (たんぽぽ) 1999-06-16
4 "Seinaru Kane ga Hibiku Yoru" (聖なる鐘がひびく夜) 1999-10-20
5 "Otome Pasta ni Kandō" (乙女 パスタに感動) 2000-07-05
6 "Koi wo Shichaimashita!" (恋をしちゃいました!) 2001-02-21
7 "Ōjisama to Yuki no Yoru" (王子様と雪の夜) 2001-11-21
8 "Be Happy Koi no Yajirobee" (Be Happy 恋のやじろべえ) 2002-09-26

Mga DVD[baguhin | baguhin ang batayan]

# Pamagat ng DVD Inilabas noong
1 Tanpopo Single V Clips 1 (タンポポ シングルVクリップス①) 2004-06-16

Ibang proyekto[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga photobook[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamagat ng photobook Inilabas noong Produser ISBN
Tanpopo Photobook (タンポポPhoto Book) 2001-07-05 Wani Books ISBN 4-8470-2654-0

Mga radio show[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan ng radio show Nagsimula noong Natapos noong Pangalan ng
himpilan ng radyo
Ibang Impormasyon
Tanpopo Hatake de Tsukamaete
(タンポポ畑でつかまえて)
1999-10-09 2000-03-25 Nippon Hōsō -
Tanpopo no Konya mo Mankai
(タンポポの今夜も満開)
2000-03-30 2001-04-12 Kasama si Yuko Nakazawa.
Tanpopo Henshūbu OH-SO-RO!
(タンポポ編集部 OH-SO-RO!)
2000-10-03 2003-09-23 TBS Ang palabas ay kasama sa programang
Be@t B@by!!. Ngunit noong may
pagbabagong nangyari sa esatsyon,
inilagay ito sa Junk.

Mga kaugnayang palabas[baguhin | baguhin ang batayan]