Tanyag, Taguig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Barangay Tanyag,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
—  Barangay  —

Sagisag
Rehiyon Kalakhang Maynila
Lungsod Taguig
Pamahalaan
 • Uri Barangay
 • Kapitan ng Barangay Erhard Acosta Fontanilla
Sona ng oras GMT (UTC+8)
Zip Code 1636
Area code(s) 02

Ang Barangay Tanyag (PSGC: 137607001) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng sangay ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Bicutan sa hilaga, Daughters of Charity sa Lungsod ng Parañaque sa Timog, Barangay Bagumbayan sa silangan, at South Superhighway sa kanluran.

Kasaysayan[baguhin]

Isa sa pinakamalaking barangay ng Lungsod ng Taguig, ay ang Barangay Bagong Tanyag, Mahigit sa dalawampu't apat na libo (24,000) ang populasyon nito, at may humigit-kumulang labinlimang libong botante. Ito ay binubuo ng tatlong (3) sitio, ang North Daang Hari, Tanyag Proper, at South Daang Hari, kasama ang Perpetual Village.

Ang titulong “Bagong Tanyag”, ay buong karangalang ipinangalan sa barangay na ito, bilang paggunita at pagdakila sa maningning na paglilingkod sa Bayan ng Taguig ng yumao at dating Punong-bayan, Kgg. Mayor Monico Tanyag.

Sa mahigit na dalawampu't apat na libong populasyon ng Bagong Tanyag, nakahihigit sa dami ang mga babae kaysa lalake. Masasabing ang komunidad na ito, ay nasa gitna ang antas ng kinikita, sapagkat higit na nakararami ang mga “factory workers” at mga ‘self employed” kaysa mga propesyonal. Ang barangay ay may anim (6) na doktor, tatlong (3) manananggol, siyam (9) na registradong komadrona, dalawang (2) inhinyero, at tatlong (3) nars.

Ang barangay ay may tatlong (3) bahay-sambahan (kapilya) para sa mga katoliko, at isang kapilya ng protestante. May tatlong paaralang elementarya, bukod pa sa ilang preparatory schools, gaya ng Day Care Center, R.I.C. at isang Non-Government Organization (NGO) kindergarten class na pinamahalaan ni Gng. Lucia Pacayra.

Ang Tanyag Proper, ay pinasok na ng National Housing Authority, upang ang lugar na ito, ay kanilang maipamahagi sa mga naninirahan dito. Kamakailang lamang ay nagkaroon na ng “signing of memorandum of agreement” ang NHA at ng tatlong nagmamay-ari ng mga lupa sa Purok 7 at Purok 8 upang ang mga loteng kinatitirikan ng mga bahay na mga nainirahan sa nasabing mga purok ay kanilang mabili sa mababang halaga. Ang okasyong nabanggit, ay sinaksihan ng Kgg. Cong. Dante O. Tiñga, at ng dating Kgg. na Mayor Rodolfo de Guzman, kasama ang Kapitan ng Barangay, Gng. Preciosa Aliling at pangulo ng Homeowners Assn. (BATAHAI), Gng. Remedios Bico.

Kasalukuyang isinasagawa ang konstruksiyon ng dalawang Barangay Outpost sa Purok 13 ng South Daang Hari, at sa Purok 33 ng North Daang Hari. Pangunahin sa mga balak na proyekto ng Sangguniang Barangay ang pagpapasemento ng mga pathways at paglalagay ng kuryente sa mga lugar na barangay na malayo sa pangunahing kalsada.

Edukasyon[baguhin]

Elementarya[baguhin]

  • North Daang Hari Elementary School
  • Bagong Tanyag Elementary School
  • Prk. 11 Elementary School Annex B
  • Prk. 14 Elementary School Annex A
  • St. Helena Academy at Perpetual Village
  • Our Lourdes of Academy
  • BATAHAI (Prep-Schooler)

Pre-schooler/Kinder (Public/Controlled by DSWD):[baguhin]

  • Prk. 2 Day Care Center
  • North Daang Hari Day care Center
  • Prk. 11 South Daang Hari Day Care Center

Pamahalaan[baguhin]

Sangguniang Barangay[baguhin]

  • Kapitan: JOSEPH SUCALDITO
  • Kagawad ng barangay:
    • EVELYN FONTANILLA
    • APOLINAR REJANO
    • LORELY FINES
    • MARIA ISABELA PABUALAN
    • SEBASTIAN BALACANAO
    • CARMELINO ALILING
    • ANABELLE DE GUZMAN

Sangguniang Kabataan[baguhin]

  • Tagapangulo : DACUMOS, JHOANNA MAYE
  • Mga Konsehal:
    • ARGUTA, KENNETH
    • BARANDA, RAEZEIL MAE
    • DACULA, MARY ANNE FRANCIS
    • CATUBAY, NICA
    • TOBIAS, KAREN CHRISTINE
    • SABA, CESALYN
  • Kalihim: Fedis B. Giray
  • Ingat-Yaman: Normita C. Diaz

Tingnan rin[baguhin]

Mga Sanggunian[baguhin]