Taoismo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Taoismo, mula sa Tsinong Daojiao 道教 (binibigkas dào  jiào ), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at pang-relihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.[1] Nangangahulugan ang salitang 道, Tao (o Dao, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan", bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Tao: pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wu wei (aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusang-loob.

Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan”. Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng hindi pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang tao ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang hugis at porma”. Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang tao dahil mapagkumbaba ito. Ang tao rin ang nagbibigay ng pwersa sa lahat ng nilalang.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Miller (2003), p. ix.



Relihiyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Relihiyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.