Taong Java

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taong Haba)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Homo erectus erectus
Hangganan ng fossil: Pleistocene
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Primates
Pamilya: Hominidae
Sari: Homo
Espesye: H. erectus
Subespesye: H. erectus erectus
Pangalang trinomyal
Homo erectus erectus
Mga kasingkahulugan

Pithecanthropus erectus
Homo erectus javanensis

Isang rebultong naglalarawan sa itsura ng Taong Java.

Ang Taong Java(Homo erectus erectus) ay isang subspecies ng Homo erectus na ang mga fossil ay natagpuan sa Java, Indonesia ng siyentipikong Olandes na si Eugène Dubois noong 1891. Ito ang isa sa mga unang alam na specimen ng Homo erectus. Tinawag itong Pithecanthropus erectus ni Dubois, nang matuklasan niya ito mula sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesya. Ito ay pinaniniwalaang umiral sa pagitan ng 1 milyong taon at 700,000 taong nakakalipas.[1]

Ito ay nakaraang iminungkahi ng mga ilang mga siyentipiko na isang potensiyal na anyo sa pagitan ng mga modernong tao at karaniwang ninuno na pinagsaluhan ng tao sa ibang mga dakilang bakulaw. Ang kasalukuyang kasunduan ng mga siyentipiko ay ang mga direktang ninuno ng mga modernong tao ay mga populasyong Aprikano ng Homo erectus na posibleng ang Homo ergaster sa halip na na mga populasyong Asyano gaya ng Taong Java at Taong Peking.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]