Taong Lantian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lantian Man
Hangganan ng fossil: Pleistocene
Lantian Man, Reconstruction in the Shaanxi History Museum, Xian (taken in March 2006)
Conservation status
Fossil
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Primates
Pamilya: Hominidae
Sari: Homo
Espesye: H. erectus
Subespesye: H. e. lantianensis
Pangalang trinomyal
Homo erectus lantianensis
(Woo Ju-Kang, 1964)

Ang Taong Lantian (pinapayak na Intsik: 蓝田人tradisyunal na Intsik: 藍田人pinyin: Lántián rén) na dating kilala bilang Sinanthropus lantianensis at kasalukuyang tinatawag na Homo erectus lantianensis ay isang subspecies ng Homo erectus. Ang pagkakatuklas nito noong 1963 ay unang inilarawan ni J. K. Woo ng sumunod na taon. Ang mga labi ng Taong Lantian na tinawag na Lantian Ren(蓝田人 sa Tsino) ay natagpuan sa Lantian County (蓝田县; pinyin: Lántián Xiàn)sa timog kanluraning probinsiyang Shaanxi ng Tsina na tinatayang 50 km timog kanluran ng siyudad ng Xi'an. Sa sandaling pagkatapos matuklasan ang buto ng panga ng unang Taong Lantian sa Chenjiawo (陈家窝) sa Lantian County, ang isang bungo na may mga buto ng ilong, kanang maxilla at tatlong mga ngipin ng isa pang specimen ng Taong Lantian ay natagpuan sa Gongwangling (公王岭) na isa pang lugar sa Lantian County.