Tawny Kitaen

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Tawny Kitaen
Kapanganakan 5 Agosto 1961 (1961-08-05) (edad 53)
Tangkad talampakan 7 in (1.7 m)
Asawa

David Coverdale (1989–1991)

Chuck Finley (1997–2002)
Anak

Wynter Merin Finley (ipinanganak noong 1993)

Raine Finley (ipinanganak noong 1998)

Si Julie "Tawny" Kitaen /kɪˈt.ən/ (ipinanganak noong 5 Agosto 1961)[1] ay isang Amerikanang aktres at personalidad ng midya. Naging tanyag siya noong dekada ng 1980 dahil sa paglitaw sa ilang matitinding mga bidyong pang-rock para sa bandang Whitesnake, kabilang ang patok na "Here I Go Again". Si Kitaen naging kasal sa pangunahing mang-aawit ng Whitesnake na si David Coverdale magmula 1989 hanggang 1991. Nagkaroon siya ng mga nauulit na gampanin sa maraming mga seryeng pantelebisyon, katulad ng Hercules: The Legendary Journeys at naging kasamang tagapagpasinaya sa America's Funniest People mula 1992 hanggang 1994. Naaresto siya noong 2006 dahil sa pagtataglay ng ipinagbabawal na gamot,[2] kaya't naglabas-masok sa mga programang pangrehabilitasyon. Naging bahagi siya ng tauhan sa makatotohanang palabas na The Surreal Life noong 2006, at naging isa sa mga pasyente ng Season 2 ng Celebrity Rehab with Dr. Drew. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]

Mga sanggunian[baguhin]



ArtistaPelikulaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.