Daksipat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teleskopyo)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang teleskopyo o daksipat ay isang mahalagang kasangkapan sa larangan ng astronomiya na nagtitipon at nagtutuon ng liwanag. Ang mga teleskopyo (daksipat) ay tila nakapagpapalaki at nakapagpapalapit ng mga bagay na nasa malayo. Si Galileo ang naging unang tao na gumamit ng teleskopyo (daksipat) para sa astronomiya, subalit hindi siya ang umimbento nito. Ang unang teleskopyo (daksipat) ay naimbento sa Nederlandiya noong 1608. Ang ilan sa mga teleskopyo (daksipat) ay hindi ginagamit para sa astronomiya, katulad na ng mga binokular, mga lente ng kamera, o mga salaming pang-espiya.

Ang salitang "teleskopyo" ay karaniwang ginagamit para sa liwanag na nakikita ng mata, subalit mayroong mga teleskopyong para sa mga liwanag na "hindi nakikita". Ang mga teleskopyong imprared ay kahawig ng mga teleskopyong pangkaraniwan o normal, ngunit kailangang panatilihing malamig ang mga ito dahil sa ang imprared ay uri ng init. Ang mga teleskopyong radyo ay katulad ng mga antena ng radyo, na karaniwang may hugis na katulad ng mga malalaking plato. Ang mga teleskopyong x-ray at sinag Gamma ay mayroong suliranin dahil ang mga sinag nito ay lumalagos sa halos lahat ng mga metal at mga salamin. Upang masugpo ang problemang ito, hinugisan ang mga teleskopyong ito na parang isang bungkos ng mga singsing na nasa loob ng bawat isa.


Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.