Hinuhang pangnebula

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teoryang nebular o nebula)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Unang ipinanukala ng pilosopong Aleman na si Immanuel Kant ang hinuhang pangnebula, makanebulang palapalagay, o nebular na hipotesis (Ingles: nebular hypothesis) ito noong 1755. Naniwala si Kant na ang solar system ay nagmula sa isang malaki, mainit, at umiikot na nebula. Habang bumibilis ang pag-ikot ng nebula, ang gitna nito ay namuo at naging araw. Ang maliliit na matter naman ang naging mga planeta.

Sinang-ayunan ni Pierre Simon de Laplace ang teorya ni Kant. Si Laplace ay isang mathematician, physicist, at astronomong Pranses noong ika-18 siglo.

Ayon kay Laplace, nagmula sa nebula ang sistemang solar, kasama na ang daigdig. Mga namumuong gas at alikabok ang nebula na nakikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyon na ultra violet na nagmula sa isang mainit na bituin. Nagkaroon ng interaksiyon ang mga ion sa mga malayang electron sa ulap at naging dahilan ng pagsabog nito ng liwanag sa lahat ng direksiyon. Mabilis na nagpaikut-ikot sa sansinukob ang nebula sa loob ng ilang milyong taon. Pagdaan ng panahon, unti-unti itong bumagal sa pag-ikot. Naging dahilan ito ng paglamig at pagtigas ng nasabing masa hanggang sa unti-unting natuklap ang mga ibabaw nito. Subalit nagpatuloy pa rin ito sa pag ikot dahil sa lakas ng puwersang centrifugal.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.