Teoriyang pampanitikan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teoryang pampanitikan)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan.[1] Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Mga nilalaman

Eksistensyalismo [baguhin]

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence)

Naturalismo [baguhin]

Ito ay tumatalakay tungkol sa kalupitan ng mundo

Humanismo [baguhin]

Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

Romantisismo [baguhin]

Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay angpapakita ng pagmamahal ng Tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.

Pormalismo [baguhin]

Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang layuninin ng panitikan ay iparating sa mga mambabasa ang nais niyang ipaabot na gamit ang tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ng may akda ay siya ring nais niyang ipaabot sa kanyang mga mambabasa. walang labis at kulang.walang halong simbolismo at hindi kailangan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa. Isa rin ang pagbibigay ng diin sa porma o pagkakaayos ng teksto at hindi sa nilalaman nito. Ang istilo ng pagkakasulat, ang kaayusan o ang masining na paraan ng mga ipinahahayag ang higit na binibigyang diin o empasis. Hindi binibigyan ng diin ang elementong pangkasaysayan, pangtalambuhay, o pampulitika.

Markismo [baguhin]

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Pisikal [baguhin]

Naaayon sa katawan ng tao.

Moralistiko [baguhin]

Ito ay teoryang nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa. Itinatakwil nto ang kasamaan. binibigyang diin ang literal na unibersal na katotohanang- "ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan." Nauugnay ang teoryang ito sa iab't ibang aspeto ng buhay tulad ng - sa pag-aaral, paghahanapbuhay, pangangarap, pakikipagkapwa at pakikibaka sa mga suliraning panlipunan. ang moral ay nauunting nawawala dahil sa makabagong panahon ng lipunan.

Sosyolohikal [baguhin]

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahon ng propaganda.

Biyograpikal [baguhin]

Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan.

Sikolohikal [baguhin]

Ayon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang iceberg ("bundok ng yelo") sa dalawa, ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating katauhan: ito ang mga impormasyon na alam ng tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda. Namayagpag ito sa kasalukuyan.

Arkitaypal [baguhin]

Ayon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto katulad ng Heroes of Newerth. Patuloy itong namamayagpag sa kasalukuyan.

Klasisismo [baguhin]

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makulay na kultura ng mga europeo. kakitaan din ito ng paggmit ng salitang hari at reyna atbp. ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Absurdismo [baguhin]

Ito ay isang pilosopiyang batay sa paniniwalang nabubuhay ang tao sa isang irasyonal at walang kahulugang uniberso. Dito, ang kaalaman at pag-uugali ay parehong "ilohikal" at gawa-gawa lamang.

Mga sanggunian [baguhin]

  1. Culler 1997, p.1