Testimonial

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang testimonial o mas kilala sa tawag ng “endorsement” ay maaaring nakasulat o tuwirang sinasabi ng isang tao, minsan artista, pribadong tao, ngunit mas madalas ay mga simpleng tao. Kinakatawan nito ang katangian o kagalingan ng isang produkto o serbisyo. Ang endorsement ay mas ginagawa ng mga “celebrities” o artista samantala ang testimonial ay mga simpleng tao. Marami ang nagsasabi na ito ang pinaka epektibong uri ng “advertising”. Ika nga ni Bill Bernbach (Father of Modern Advertising/ Ama ng Advertising), “Word of mouth is still the best medium of all ”. Wala nang makahihigit pa sa tinatawag na “word of mouth”, o ang mga sabi-sabi. Pag ang mga tao na ang nagsabi kung gaano kaapektibo a kaganda ang produkto mo, hindi na ito kailangan pang patunayan pa ng iba pang uri ng advertisement. Ito ang tinatawag na Testimonial Advertising.

Testimonial Advertising

Ito ang pinakakaraniwang uri ng advertising sa Pilipinas. Madalas itong ginagamit sa mga produktong makamasa, at madalas rin na mga artista ang ginagamit ng mga kompanya para dito. Sa testimonial advertising, sinasabi ng tao/artista ang Unique Selling Proposition (USP) ng isang produkto na magiimpluwensiya sa mga potensiyal na bibili o susubok ng produkto o serbisyo. Sa testimonial advertising, madalas binabanggit kung gaano kasaya o kakuntento ang endorser matapos niyang subukang gamitin ang isang produkto o serbisyo. Ito ngayon ang nagiging rason kung bakit bibilihin ng tao ang isang produkto. Madalas sa mga patalastas ay “scripted” o planado kung baga ang mga ito, at pagmumukhain lang nilang nasa actual interview sila dahil sa totoo lang ay mahirap kunin at buuin ang magagandang parte kung hahayaan magsalita ang mga magbibigay ng testimonial.