The Rescuers
The Rescuers | |
---|---|
Direktor |
|
Prinodyus | Wolfgang Reitherman |
Kuwento |
|
Ibinase sa | The Rescuers (aklat) Miss Bianca ni Margery Sharp |
Itinatampok sina |
|
Musika | Artie Butler |
In-edit ni |
|
Produksiyon | Walt Disney Productions |
Tagapamahagi | Buena Vista Distribution |
Inilabas noong |
|
Haba | 77 mga minutos |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Badyet | $7.5 milyon |
Kita | $169 milyon[1] |
Ang The Rescuers ay isang animadong pelikulang Amerikano na nasa mga uring abentura at komedya-drama na ginawa ng Walt Disney Productions at inilabas noong 1977 ng Buena Vista Distribution. Ginampanan nina Bob Newhart at Eva Gabor ang papel nina Bernard at Bianca, dalawang bubuwit na miyembro ng Rescue Aid Society, isang internasyonal na organisasyon ng bubuwit na nakatuon sa pagtulong sa mga biktima ng pagdukot sa buong mundo. Kailangang palayain nilang dalawa si Penny, isang 6 na taong gulang na ulila (tininigan ni Michelle Stacy), mula sa dalawang tagahanap ng kayamanan (ginampanan nina Geraldine Page at Joe Flynn), na may balak na gamitin siya para makakuha ng higanteng diyamante. Nakabatay ang pelikula sa isang serye ng mga libro ni Margery Sharp, kabilang ang The Rescuers (1959) at Miss Bianca (1962).
Noong 1962, sinimulan ang pagbubuo ng maagang bersiyon ng The Rescuers, ngunit isinantabi dahil sa pagkaayaw ni Walt Disney sa mga politikal na pahiwatig nito. Noong d. 1970, muling binuhay ang pelikula bilang proyektong inilaan para sa mga nakababatang animador, sa pangangasiwa ng mga nakatatanda. Apat na taon ang ginugol sa paggawa ng pelikula. Inilabas ang The Rescuers noong Hunyo 22, 1977, na may positibong tugon mula sa mga kritiko at nagtagumpay sa takilya, at nakakita ng $48 milyon kontra sa badyet ng $7.5 milyon noong patiunang palabas nito sa sine. Mula noon, nakakita ito ng $169 milyon pagkatapos ng dalawang muling pagpapalabas noong 1983 at 1989. Dahil sa pagtatagumpay ng pelikula, nasundan ito ng The Rescuers Down Under na inilabas noong 1990, at naging unang animadong pelikula ng Disney na nagkaroon ng karugtong.
Mga boses ng karakter
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na boses ng karakter
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bob Newhart bilang Bernard
- Eva Gabor bilang Miss Bianca
- Geraldine Page bilang Madame Medusa
- Joe Flynn bilang Mr. Snoops
- Jeanette Nolan bilang Ellie Mae at Pat Buttram bilang Luke
- Jim Jordan bilang Orville
- John McIntire bilang Rufus
- Michelle Stacy bilang Penny
- Bernard Fox bilang Mr. Chairman
- Larry Clemmons bilang Gramps
- James MacDonald bilang Evinrude
- George Lindsey bilang Deadeye
- Bill McMillian bilang TV Announcer
- Dub Taylor bilang Digger
- John Fiedler bilang Deacon Owl
Produksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1959, nailathala ang aklat na The Rescuers ni Margery Sharp, at di-mumunti ang pagtagumpay nito. Noong 1962, nakagawa si Sharp ng kasunod na pinamagatang Miss Bianca. Sa parehong taon, pinili ni Walt Disney ang mga aklat, at inumpisa niya ang pagbubuo ng animadong adaptasyon sa pelikula. Noong Enero 1963, nagsulat ng tratamiyento si Otto Englander, isang story artist, batay sa unang aklat, na nakasentro sa isang makatang Noruwego na hindi patas na nakakulong sa isang mala-Siberya na kuta na kilala bilang The Black Castle.[2]:49 Binago ang kuwento, at pinalitan ang lokasyon ng Kuba, kung saan tutulungan ng mga bubuwit ang makata para makatakas patungo sa Estados Unidos.[3] Subalit, dahil nakialam nang hayagan ang kuwento sa internasyonal na intriga, isinantabi ng Disney ang proyekto dahil hindi siya nagsaya sa mga bahid sa politika.[4] Noong Agosto 1968, nagsulat si Englander ng isa pang tratamiyento na nagtatampok kay Bernard at Bianca sa pagliligtas kay Ricardo, Ang Pusong Leon noong Edad Medya.[2]:49
Sa kabuuan, apat na taon ang ginugol sa paggawa ng The Rescuers, sa badyet ng $7.5 milyon.[5] Noong unang bahagi ng d. 1970, muling binuhay ang The Rescuers bilang proyekto para sa mga nakababatang animador, sa pangunguna ni Don Bluth. Ipinlano ng estudyo na magsalitan ng mga buong-sukat na mga "Larawang A" at mas maliliit na mga "larawang B" na may mas simpleng animasyon. Pinili ng mga animador ang pinakabagong libro, Miss Bianca in the Antarctic, upang iakma. Sa bagong kuwento, nanlilinlang ang pingguwinong hari ng nabihag na osong polo sa pagtatanghal sa labas ng bansa sa isang schooner (uri ng barko), na naging sanhi ng hindi nasisiyahang oso na maglagay ng bote na makakaabot sa mga daga. Itinalaga si Fred Lucky, isang baguhang storyboard artist, upang bumuo ng adaptasyon ng kuwento, kasama ni Ken Anderson.[6]:155
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ D'Alessandro, Anthony (Oktubre 27, 2003). "Cartoon Coffers – Top-Grossing Disney Animated Features at the Worldwide B.O." [Kaban ng Kartun – Mga Animadong Tampok ng Disney na May Pinakamalaking Kita sa Pandaigdigang Takilya]. Variety (sa wikang Ingles). p. 6. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 4, 2020. Nakuha noong Nobyembre 5, 2021 – sa pamamagitan ni/ng TheFreeLibrary.com.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Ghez, Didier (2019). They Drew as They Pleased Vol. 5: The Hidden Art of Disney's Early Renaissance. Chronicle Books. ISBN 978-1-7972-0410-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Korkis, Jim (Enero 19, 2022). "Remembering the Rescuers" [Pag-aalala sa mga Rescuers]. Mouse Planet (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Koenig 1997, pp. 153–154.
- ↑ "Film Reviews: The Rescuers" [Pagsusuri ng Pelikula: The Rescuers]. Variety (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 1977. Nakuha noong Pebrero 12, 2016.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Koenig, David (1997). "The Rescuers". Mouse Under Glass: Secrets of Disney Animation & Theme Parks. Irvine, California: Bonaventure Press. pp. 153–161. ISBN 978-0-9640-6051-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Rescuers sa IMDb