Therapsida

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga therapsida
Hangganan ng fossil:
Simulang PermiyanoSimulang Kretaseyoso , 275–100 milyong taon ang nakalilipas
Descendant taxon Mammalia survives to present.
Mounted skeleton of Inostrancevia alexandri, a gorgonopsian therapsid
Kauriang pang-agham e
Kingdom: Animalia
Phylum: Chordata
Class: Synapsida
Node: Sphenacodontoidea
Order: Therapsida
Broom, 1905
Clades

Ang Therapsida ay isang pangkat ng pinaka-maunlad na mga synapsida at kinabibilangan ng mga ninuno ng mga mamalya.[1] Ang maraming mga katangian na nakikita ngayong walang katulad sa mga mamalya ay may pinagmulan sa loob ng mga sinaunang therapsida kabilang ang posturang nakatayo at laktasyon. Ang pinakaunang fossil na itinuturo sa therapsida ang Tetraceratops insignis na natagpuan sa strata ng Panahong Mababang Permiyano.[2][3] Ang mga therapsida ay nag-ebolb mula sa mga pelycosauro na spepisipiko mula sa mga Sphenacodontia 275 milyong taon ang nakalilipas. Pinalitan ng mga ito ang mga pelycousauro bilang mga nananaig na mga malalaking hayop na panglupain sa panahong Gitnang Permiyano. Ang mga ito ay nanatili na nananaig na fauna hanggang sa mapalitan ng mga arkosauro at rhynchosaur sa panahong Gitnang Triasiko bagaman ang ilang mga therapsida halimbawa ng mga kannemeyeriiform ay nanatiling diberso sa Huling Triasiko. Ang mga therapsida ay kinabibilangan ng mga cynodont na nagpalitaw sa mga mamalya sa Huling Triasiko mga 225 milyong taon ang nakalilipas. Sa mga hindi hindi-mamalyang therapsida, ang tanging mga cynodont at dicynodont ang nakaligtas sa pangyayaring ekstinksiyong Triasiko-Hurasiko. Ang huli ng mga hindi-mamalyang therapsidad na mga cynodont tritylodontid ay naging ekstinkt sa Simulang Kretaseyoso mga 100 milyong taon ang nakalilipas.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Romer, A.S. (1933). Vertebrate Paleontology. University of Chicago Press. , 3rd ed., 1966.
  2. M.Laurin & R.R. Reisz. 1996. The osteology and relationships of Tetraceratops insignis, the oldest known therapsid. Journal of Vertebrate Paleontology 16(1): 95-102.
  3. J. Liu, B. Rubidge & J. Li, New basal synapsid supports Laurasian origin for therapsids, 2009, Acta Palaeontol. Pol., 54 (3): 393-400