Tigyawat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tigyawat
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
ICD-10 R23.8
ICD-9 709.8

Ang tigyawat (Ingles: mga pimple, acne), na nakikilala rin bilang akne, tagihawat o mga tigidig, ay isang uri ng pamamaga ng balat na sanhi ng impeksiyon sa glandulang malangis.[1]. Karaniwan itong parang mga pulang butlig o maiitim na mga tuldok sa mukha.[2]

Proseso ng paglitaw ng tigyawat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga tigyawat ay lumilitaw kapag tinubuan ng mikrobyong tinatawag na Propionibacterium acnes (P. acne) ang balat ng tao na pawisin, madumi, may labis na paggawa ng langis, at may pagbabara ng mga maliliit na mga butas ng balat, na kaakibat ng mga tumutubong buhok na manipis at maliliit. Nagmumula ang langis ng balat mula sa malapit na lugar na kinalalagyan ng dulo ng buhok (polikula ng buhok) sa loob ng balat.[2]

Mga uri ng tigyawat[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga uri ng tigyawat ang mga puting ulo (mga closed comedone, mga white head), mga itim na ulo o pekas (mga open comedone, mga black head), ang mga pustula (mga pustule, mga tigyawat na mapula at nagnanana).[2]

Panahon ng pagtitigyawat[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga normal na panahon sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng tigyawat, partikular na ang panahon ng pagdadalaga ng isang babae at ang panahon ng pagbibinata ng isang lalaki. Mayroon namang mga tao na nagsasabing ang pagkakaroon ng tigyawat ay dahil sa pagkain ng mga pagkaing mamantika o ng maraming mga tsokolate.[2]

Mga maling gawain kapag may tigyawat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang tigyawat ay hindi minumungkahing tirisin sapagkat nakapagdurulot lamang ito ng peklat at impeksiyon. Mas mainam ang paggamit ng mga produktong pampaganda, katulad ng pulbos, na may halong tubig (water-based) at hindi nakapagdurulot ng tigyawat (nakikila bilang mga non-acnegenic at non-comedogenic). Mas mainam din ang pagbibilad sa araw dahil nakakairita sa balat ang labis na pagkabantad sa sikat ng araw, na magiging sanhi ng pagdami ng tigyawat. Walang kinalaman ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng tigyawat, subalit ang paninigarilyo ay nakapagsasanhi ng panunuyo ng balat sa mukha.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Nordqvist, Christian. Medical News Today. 25 Feb 2009. [1]. (Ingles)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 TIGYAWAT O PIMPLES (ACNE) ([2], [3], [4])