Tina Turner

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tina Turner
Si Tina Turner habang nagtatanghal sa GelreDome, 1985
Kabatiran
Kapanganakang pangalan Anna Mae Bullock
Kilala rin bilang Tina Turner
Kapanganakan 26 Nobyembre 1939 (1939-11-26) (edad 74)
Nutbush, Tennessee, Estados Unidos
Genre mga musikang Rock, soul, R&B, pop
Mga Gawain Manganganta, mananayaw, may-akda, aktres
Mga Instrumento Tinig
Taong aktibo 1958–kasalukuyan
Mga tatak EMI, United Artists, Capitol, Parlophone, Virgin
Mga nakaugnay na akto The Ike & Tina Turner Revue

Si Anna Mae Bullock, na mas kilala sa kanyang pangalang pang-entabladong Tina Turner (ipinanganak noong Nobyembre 26, 1939) ay isang Amerikanang mang-aawit, mananayaw, at tagapaglibang. Ang kanyang tagumpay, pangingibabaw, katanyagan, at hindi nagmamaliw na mga ambag sa henero ng tugtuging rock ay dahilan ng pagkakamit niya ng pamagat na Ang Reyna ng Rock & Roll.[1][2][3][4] Nakikilala siya sa buong mundo dahil sa kanyang makapangyayari o mapanaig at masiglang presensiya sa entablado,[2] makapangyarihang tinig, mapangyanig na mga konsiyerto[5] pati na ang dahil sa kanyang mahahaba, at proporsiyonadong mga bindi na itinuturing bilang pinaka bantog sa negosyo ng pagtatanghal.[6][5] Naitala siya sa talaang The Immortals — The Greatest Artists of All Time (Ang mga Walang Kamatayan — Ang Pinakamahuhusay na mga Artista sa Lahat ng Panahon). Si Turner kabilang sa Rock and Roll Hall of Fame (Bulwagan ng Katanyagan sa Rock and Roll),[7] at siya ay kinakatawan din sa Grammy Hall of Fame (Bulwagan ng Katanyagan ng Grammy) sa pamamagitan ng kanyang dalawang mga rekording: ang "River Deep - Mountain High" (1999) at ang "Proud Mary" (2003).[8] Nagwagi si Turner ng walong mga Gantimpalang Grammy.[9] Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[10] Isa siyang Budista.[11]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Rafferty, Terrence (2008-07-27). "Tina Turner: Queen of Rock 'n' Roll". New York Times. http://movies.nytimes.com/movie/50095/Tina-Turner-Queen-of-Rock-n-Roll/overview. Hinango noong 2008-10-27. 
  2. 2.0 2.1 Wolman, Baron. "Gallery of The Popular Image". San Francisco Art Exchange. http://www.sfae.com/index.php?action=gallery&status=show_product&ID=549&PHPSESSID=e167966844d1d18c37. Hinango noong 2008-10-27. 
  3. "Tina Turner: Queen of Rock 'n' Roll (1984)". New York Times. http://movies.nytimes.com/movie/50095/Tina-Turner-Queen-of-Rock-n-Roll/overview. Hinango noong 2208-09-03. 
  4. "Tina Turner on Stage". San Francisco Art Exchange. http://www.sfae.com/index.php?action=gallery&status=show_product&ID=549&PHPSESSID=e167966844d1d18c37. Hinango noong 2008-09-03. 
  5. 5.0 5.1 http://tinaturner-fanclub.com/ Tina Turner International fanclub: Biography
  6. "President Welcomes Kennedy Center Honorees to the White House". Whitehouse.gov. 2005-12-04. http://georgewbush-whitehouse.archives.gov/news/releases/2005/12/20051204.html. Hinango noong 2008-10-27. 
  7. "Ike and Tina Turner". Rockhall.com. http://www.rockhall.com/inductee/ike-and-tina-turner. Hinango noong 2008-11-01. 
  8. "Grammy Hall of Fame Award:Past Recipients". The Recording Academy. http://www.grammy.com/Recording_Academy/Awards/Hall_of_Fame/#p. Hinango noong 2008-09-03. 
  9. "Amway Global to be Presenting Sponsor of 'Tina Turner Live in Concert' 2008". Reuters.com. 2008-07-10. http://www.reuters.com/article/pressRelease/idUS169798+10-Jul-2008+PRN20080710. Hinango noong 2008-11-01. 
  10. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. http://www.menshealth.com/sex-women/hottest-women-all-time. Hinango noong Marso 26, 2012. 
  11. Nichiren Buddhism



TaoEstados UnidosMusika Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Estados Unidos at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.