Tirang Parto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Ang tirang Parto ay isang taktikang ginamit ng mga mangangabayo ng Arsasidang Iran. Magkukunwaring sumusuko na nang patakas ang mga mangagabayo tapos ay biglang ititira ang kanilang mga pana sa humahabol na kalaban. Matagumpay na ginamit ng mga Parto at ng iba pang kabihasnang Persa (Persian) ang taktikang ito sa pamamagitan ng malawak na paggamit ng kabayeryá[1] upang lansangin, guluhin, ligaligin, pinsalain, at patayin ang mga kalaban.

Ngayon ginagamit ang pariralang “tirang Parto” (kung saan humango ang Inggles na “parting shot”) upang tumukoy sa anumang kahuli-hulihang hostile na akto ng agresyon, tulad ng insulto o paghihiganti, na inilalabas o ipinapakita kapag paalis na. Hindi itinuturing na marangal ang gawain o asal na ito.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Mula sa Kastilang ca·ba·lle·rí·a



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.