Titanis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Titanis
Hangganan ng fossil: Maaga hanggang Huling Piyoseno
Paglalarawan ng isang Titanis na may hipotetikong pakpak na may kuko
Conservation status
Nangamatay na
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Aves
Orden: Gruiformes
Pamilya: Phorusrhacidae
Sari: Titanis
Brodkorb, 1963
Espesye: T. walleri
Pangalang dalawahan
Titanis walleri
Brodkorb, 1963

Ang Titanis (etimolohiya: Titanis mula sa mitolohikong mga diyos na Titaniko ng Sinaunang Gresya na nauna sa Labindalawang Olimpiyano, bilang pahiwatig sa sukat ng ibon), ay isang sari ng napakalaking maninilang hindi nakalilipad na ibon. Ang T. walleri ang nagiisang kasapi sa sari ng Titanis, na pinangalanan bilang pagpaparangal sa kolektor ng holotipong si Benjamin I. Waller. Tinatayang namuhay ito noong mga 5 hanggang 2 milyong mga tao na ang nakalipas (Plioseno) sa Hilagang Amerika, may mga ebidensiya ng fossil o kusilbang na natagpuan sa Plorida at Tehas ng Estados Unidos. Mula sa nagkataong katibayan, iminungkahi na hindi pa nangamatay ang mga uri bago sumapit ang mga 15,000 mga taon na ang nakararaan,[1] subalit tinutuligsa ng mas tiyak na pagpepetsa nina McFadden at mga kasama ang ganyang isang nahuhuling petsa; lahat ng mga nalalamang kusilba ng Titanis ang tila mga may humigit-kumulang sa 2 milyong taon na ang nakalilipas.[2][3] Kabahagi ang Titanis ng pangkat ng mga dambuhalang ibong hindi nakalilipad na tinatawag na Phorusrhacidae, na binansagang "mga ibong halimaw" o mga "terror bird" sa Ingles, at kumakatawan sa pinakabatang mga uri ng linyahe o pinaglahian (pinagmulan ng lahi). Nagmula ang Phorusrhacidae sa Hilagang Amerika; tanging ang Titanis lamang ang nakikilalang kasapi ng sanga ng pangkat na lumipat palabas sa kontinenteng iyon noong panahong tinatawag na Dakilang Pagpapalitan ng Amerika.

Paglalarawan[baguhin]

Mayroon itong taas na 2.5 mga metro (8 talampakan 2 mga pulgada) at tumitimbang ng mga Padron:Convert/LoffAnoneDbSoff, subalit may malaking pagkakaiba-iba (marahil nagpapakita ng malakas na dimorpismong seksuwal)[4] Bagaman hindi natagpuan ang ulo nito, natitiyak na malaki ito, na may dambuhalang tila palakol na tuka, katulad ng mga kamag-anak nito. Maliliit ang mga pakpak nito at hindi maaaring gamitin sa paglipad. Nakalatag ang mga buto nito sa isang natatanging magkakaugpong na kayarian, na nagmumungkahing nakabubuka-buka ang mga daliri, at iminungkahing nagtatangan sa ilang uri ng may kukong "daliri", bagaman walang tuwirang katibayan para rito.[1] Sa pangkalahatan, napakakatulad nito sa Phorusrhacos at Devincenzia ng Timog Amerika, ang pinakamalapit nitong mga kamag-anak. Kaunti lamang ang nalalaman hinggil sa kayarian ng katawan nito, subalit tila hindi ito gaanong sakang kung ihahambing sa Devincenzia, na may pantay na malakas na panggitnang hinlalaki ng paa.[5] (Itinuturing na ngayon ang Onactornis bilang isang mababang kasingkahulugan (junior synonym) ng Devincenzia).

Sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Baskin, J. A. (1995). "The giant flightless bird Titanis walleri (Aves: Phorusrhacidae) from the Pleistocene coastal plain of South Texas". Journal of Vertebrate Paleontology 15 (4): 842–844. 
  2. McFadden, B.; Labs-Hochstein, J.; Hulbert, R. C., Jr.; Baskin, J. A. (2006). "Refined age of the late Neogene terror bird (Titanis) from Florida and Texas using rare earth elements". Journal of Vertebrate Paleontology 26 (3): 92A (Supplement). http://users.tamuk.edu/kfjab02/pdf%20jpg%20gif%20files/Titanis%20SVP.pdf. 
  3. McFadden, B.; Labs-Hochstein, J.; Hulbert, R.C., Jr.; Baskin, J.A. (2007). "Revised age of the late Neogene terror bird (Titanis) in North America during the Great American Interchange". Geology 35 (2): 123–126. doi:10.1130/G23186A.1. 
  4. Alvarenga, H. M. F.; Höfling, E. (2003). "Systematic revision of the Phorusrhacidae (Aves: Ralliformes)". Papéis Avulsos de Zoologia 43 (4): 55–91. 
  5. Brodkorb, P. (1963). "A giant flightless bird from the Pleistocene of Florida". Auk 80 (2): 111–115. http://elibrary.unm.edu/sora/Auk/v080n02/p0111-p0115.pdf.