Tiyesa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tiyesa
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
Dibisyon: Magnoliophyta
Klase: Magnoliopsida
Orden: Ericales
Pamilya: Sapotaceae
Sari: Pouteria
Espesye: P. lucuma
Pangalang dalawahan
Pouteria lucuma
(Ruiz & Pav.) Kuntze

Ang tiyesa[1] (Ingles: lúcuma, lucmo; pangalang pang-agham: Pouteria lucuma[2] ) ay isang uri ng malaman at malunting bunga na hugis bilog o habilog (oval) at may buto. Inihahambing sa pinakuluang matamis na kamote ang madilaw na laman nito. May kakaibang bakas sa panlasa ito matapos kainin. Nilalarawang "kaakit-akit" ang laman ng tiyesa. Matatagpuan at katutubo ito sa mga bahagi ng Hilagang Amerika partikular na sa mga bundok ng Andes sa Chile, Peru, Bolivia, at Ecuador. Matatagpuan rin ito sa Silangang Asya, tulad ng Pilipinas at Thailand.[2] Binabaybay din itong atiyesa, chesa at achesa. Tinatawag itong lúcuma sa Peru, samantalang dien taw[3] naman sa Thailand.

Umaabot sa mga 25 hanggang 50 talampakan ang puno nito. Nabubuhay ito samga subtropikal na mga rehiyon ng mundo, partikular na sa mga elebasyong 9000 hanggang 10,000 sa Peru. Bagaman tumutubo sa maaraw na pook at mga tuyong lokasyon, natatanggap ng puno ang mga ilang antas ng kalamigan at nabubuhay din sa mga mas malalamig na mga klima. Para magpatubo ng puno, itinatanim ang buto mula sa bunga.[2]

Nakakain ang bunga matapos na pitasin sa puno at nagagamit din sa paggawa ng mga sorbetes o mga minatamis.[2]

Mga kasimpangalan[baguhin]

Nakatala rito ang iba pang mga pangalang pang-agham ng tiyesa:

  • Achras lucuma
  • Lucuma bifera
  • Lucuma obovata
  • Lucuma turbinata
  • Pouteria insignis
  • Pouteria obovata
  • Richardella lucuma

Sanggunian[baguhin]

  1. De Guzman, Maria Odulio. (1968/2005). "Tiyesa". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Lucuma (Pouteria obovata / Lucuma obovata) o Lucmo, TradeWindsFruit.com
  3. Dien taw, "Weird Fruit" (Kakaibang Bunga), Lucuma, EatingAsia.com]

Panlabas na kawing[baguhin]

Isang tiyesang hawak ng isang tagapitas.