Tomas ang Alagad

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Santo Tomas (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Didymus (paglilinaw).
Ang dibuhong Ang Hindi Paniniwala ni Tomas na ipininta ni Caravaggio. Sa larawang ito, ipinakikitang kailangan pang madama ni Santo Tomas ang sugat sa tagiliran ni Hesus para maniwalang nabuhay na ngang mag-uli si Kristo.

Si Santo Tomas ay isang santo ng Romano Katoliko na kabilang sa mga unang labindalawang alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Didymus, isang pangalang kapwa nangangahulugang "kambal" sa mga wikang Arameo at Griyego. Nagpakita siya ng malakas na pananalig sa pamamagitan ng paghahangad na samahan si Hesus sa Herusalem bagaman may mga taong ibig siyang batuhin at saktan doon. Subalit nakilala rin siya bilang Nagdududang Tomas, Hindi Maniwalang Tomas, Nagaalanganing Tomas dahil sa pagaalanganin o hindi paniniwalang nabuhay muli si Hesukristo pagkaraang mamatay.[1]

Sanggunian[baguhin]



Santo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

† Mga Alagad ni Hesus
Simon Pedro | San Andres | San Santiago, anak ni Zebedeo | San Juan | San Felipe | San Bartolome | San Mateo | Santo Tomas
San Santiago, anak ni Alfeo | San Simon | San Hudas Tadeo | Hudas Iskariote | San Matias | San Pablo