Toni Gonzaga

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Toni Gonzaga
Kapanganakan Celestine Cruz Gonzaga
Enero 20 1984
Kabansaan Filipino
Hanapbuhay Singer, TV Host & Actress
Mga taon ng kasiglahan 1998-kasalukuyan

Si Celestine Cruz Gonzaga (na mas kilala bilang Toni Gonzaga) ay isang Pilipinang artista, mang-aawit at TV host. Ipinanganak siya noong ika-20 ng Enero, 1984.

Talambuhay[baguhin]

Unang nakilala si Toni Gonzaga noong labing-pitong taong gulang siya nang mapasama siya sa commercial ng Sprite kung saan nakatambal niya ang batikang artista at mang-aawit na si Piolo Pascual. Dahil dito, naging tanyag si Toni Gonzaga at napabilang siya sa mga pantelebisyong programa tulad ng Eat Bulaga ng GMA Network at Wazzup Wazzup ng Studio 23. Ito ay sinundan ng mga programa ng ABS-CBN tulad ng MRS: Most Requested Show, ETK: Entertainment Konek at ASAP. Lalong sumikat si Toni Gonzaga ng maging host siya ng programang Pinoy Big Brother.Lumabas rin si Toni Gonzaga sa pelikula tulad ng D’Anothers at You Are The One. Sumunod sa proyekto ni Toni Gonzaga ay ang pantelebisyong programang Crazy For You na kung saan katambal niya si Luis Manzano at sa Maging Sino Ka Man Book 2.Sinundan ito nang maraming box office hits na pelikula tulad ng You Got Me (kung saan kasama niya sina Sam Milby at Zanjoe Marudo), My Big Love at My Only U. Kasunod nito ay naparangalan syang Princess of the Philippine Movie na dahil na rin sa kanyang sunod sunod ng box officehit movies.Lalong naging makinang si Toni Gonzaga ng lumabas ang kauna-unahan niyang "single" ang "We Belong" kung saan naging theam song ito ng isa sa koreanovela. Nasundan ito ng iba pang kanta tulad ng "Kung kaya ko" at "Catch Me I'm Falling for you". Naging hit rin ang kanyang "rendition" ng isa sa pinaka - popular na kanta ni Madona ang "Crazy for you". Sinundan din ito ng panibagong album nya na "Love is... Toni Gonzaga" at ang "Love Duets" nila ni Sam Milby. Nakatakda na ring magproduce at magsulat nang mga kanta si Toni Gonzaga sa susunod nyang album.Matapos ang mga platinum album na nagpakinang kay Toni Gonzaga, sinundan ito nang dalawang bigating concerts na nagpatunay na sya nga ay isang "Ultimate Multi Media Star".At para sa taon namang ito ay may mga nakatakda na ngunit hindi pa siguradong gagawing pelikula at programa sa telebisyon si Toni Gonzaga tulad ng mga Pelikulang My Amnesia Girl na kasama si John Lloyd Cruz, Working Girls na kasama sina Kristine Hermosa, Angelica Panganiban, Anne Curtis at Cristine Reyes. Ang pelikulang Ang Tanging Pamilya with Ai-Ai delas Alas, Erap Estrada, Sam Milby at ang pelikulang "Toni-Sarah" na kung saan hindi pa tukoy ang mga gaganap na kanilang leading men. Nandyan din ang mga pang programang telebisyon tulad ng: Pinoy Big Brother Season 3, PBB Teen Edition 3, Pinoy Dream Academy 3, Win Ang Family, Petiks, PHR Presents: Ang Lalaking Nagmahal sa Akin at isang pang teleseryeng hindi pa tukoy ang gaganap.May balita ring kasama ulit si Toni Gonzaga sa teleseryeng Maging Sino Ka Man: Ang Pangatlong Hakbang.

Mga Tinampukang Palabas[baguhin]

Telebisyon[baguhin]

Pelikula[baguhin]

Plaka[baguhin]

Mga Pahinang Pag-uugnay[baguhin]