Tubo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Tubo (paglilinaw).
Tubo
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
Dibisyon: Magnoliophyta
Klase: Liliopsida
Orden: Poales
Pamilya: Poaceae
Sari: Saccharum
L.
Species

Saccharum arundinaceum
Saccharum bengalense
Saccharum edule
Saccharum officinarum
Saccharum procerum
Saccharum ravennae
Saccharum robustum
Saccharum sinense
Saccharum spontaneum

Tubo Saccharum officinarum sa Kew Gardens, London

Ang tubo /tu·bó/ ay isang genus ng 6 hanggang 37 mga specie (depende sa interpretasyong taksonomiya) ng mga matataas na damo (pamilya Poaceae, tribo Andropogoneae), likas sa maiinit na lugar sa rehiyong tropikal ng Lumang Mundo. Ang mga ito ay matataba, maraming fiber ang tangkay, sa taas na 2 hanggang 6 na metro, at mayaman ang dagta nito sa asukal.

Mayroong 13 milyong hektarya ng mga patanimang bukid ng tubo sa buong mundo, kasama ang mahigit sa 100 bansa na pinapatubo ang tanim. Kabilang sa malalaking tagapag-ani ang Brazil, India, at Tsina.

Sa Pilipinas, ang pulo ng Negros (kung saan matatagpuan ang lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental), ang sentro ng mga taniman ng mga tubo. Tinatayang nasa 2/3 ng mga tubo sa Pilipinas ay tinatanim dito.

Tinatawag na sanduyong ang mga uri ng tubong may mapupula't purpurang kulay.[1] Tinagurian namang taad ang mga putol ng tubong itinatanim para makapagpatubo ng bagong halamang tubo.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:


BotanikaAgrikultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika at Agrikultura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.