Country (musika)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tugtuging-nayon)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Tugtuging kanluranin (paglilinaw).

Ang country[T 1] ay isang uri ng tugtugin mula sa Estados Unidos, partikular na tradisyunal na nailunsad mula sa Katimugang Estados Unidos at Maritimang Kanada (Kanadang Malapit sa Dagat) noong dekada ng 1920.[1] Kabilang sa mga tanyag na mga manganganta mula sa ganitong uri ng musika sina Johnny Cash, Patsy Cline, ang mga Judd, Dolly Parton, Glen Campbell, George Jones at Tammy Wynette, Kenny Rogers, Loretta Lynn, Randy Travis, Tanya Tucker, Willie Nelson, Reba McEntire, Garth Brooks, at Toby Keith.

Pinakamalakas ang naaakit ng ganitong musika ang mga populasyon ng taong nasa mga rural at maliliit na bayan ng Amerika, subalit mayroon ding mga tagalungsod na tagapagtangkilik. May mga tagapakinig din ang tugtugin sa Kanada, sa Liverpool, Inglatera, at iba pang mga lugar sa buong mundo.

Talababa[baguhin]

  1. Ang salitang country ay tawag Ingles sa mga pook na rural.


Mga sanggunian[baguhin]

  1. Peterson, Richard A. (1999). Creating Country Music: Fabricating Authenticity, p. 9. ISBN 0-226-66285-3.



MusikaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.