Tulang pantanghalan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain.At ang dula ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.

Dulang pantanghalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Melodrama[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang dula ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y may malulungkot na sangkap kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

Komedya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang binubuo ng oktosilabiko o dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang pyesta ng patron

Trahedya[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni Kadil. .

Parsa[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng isang dulang nakakatawa.

Saynete[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ng pangunahing tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin.



Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.