Ungulata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Unggulado
Hangganan ng fossil: Huling Cretaceous - Kamakailan lamang
Ang mga lyama, na dalawang daliri sa paa, ay mga artiodactyl -- mga ungguladong-hayop na may pantay na bilang ng daliri sa paa
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Impraklase: Eutheria
Superorden: Ungulata
(unranked): Ungulatomorpha
Mga orden at Klado

Ang mga ungguladong mamalya[1] ay mga hayop na kabilang sa mga mamalya na nababalutan ang mga daliri sa paa sa halip na may mga ordinaryong kuko lamang. Unggulado ang tawag sa mga ito. Kabilang sa mga ito ang mga kabayo at mga baka.

Paglalarawan[baguhin]

Mga katangian[baguhin]

Bilang isang grupo, karaniwang mga malalaking hayop ang mga ito. Tinatayang umaabot sa mga sanlibo ang bilang ng kanilang mga uri sa mundo. Kumakain ng mga halaman at mga bahagi ng halaman ang lahat ng mga ito. Karamihan sa kanila ang may mga sungay na tumutubo sa ulo. Sila lamang ang mga mamalyang tinutubuan ng mga sungay.[1]

Klasipikasyon[baguhin]

Dalawa ang pangunahing uri ng mga ungguladong mamalya: ang mga may pantay na bilang ng mga daliri at ang mga may di-pantay na bilang ng mga daliri. May pantay na bilang ng mga daliri sa lahat ng kanilang mga paa ang mga may pantay na bilang, samantalang may hindi-pantay na bilang ng mga daliri ang mga di-pantay ang bilang ng mga daliri sa kanilang mga panlikurang mga paa.[1]

May pantay na bilang ng mga kuko[baguhin]

May mga isandaan ang bilang ng iba't iba uri ng mga ungguladong may pantay na bilang ng mga kuko. Tinatawag silang mga Artiodactyla na kinatitipunan ng mga Suiformes (mga wangis-baboy), Tylopoda (mga kamelyo), at Ruminantia (kumakain ng mga ruminante).[1]

Suiformes[baguhin]

Tylopoda[baguhin]

Ruminantia[baguhin]

May di-pantay na bilang ng mga kuko[baguhin]

Kasama sa mga ito ang kabayo, tapir, at rinosero, na bumubuo sa mga orden ng Perissodactyla, ang "pamilya ng mga kabayo".[1]

Kahalagahang pantao[baguhin]

Karamihan sa mga unggulado ang naging mga alagain o domestikado, katulad ng mga kabayo, baka, asno, baboy, tupa, kambing, kamelyo, at lyama na ginagamit ng mga tao bilang pagkain, sa transportasyon, at pag-aararo ng taniman.[1]

Sanggunian[baguhin]