Unibersidad ng Katimugang Luzon - Kampus ng Gumaca

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Unibersidad ng Katimugang Luzon-Kampus ng Lucena
Southern Luzon State University
Unibersidad ng Katimugang Luzon
SLSU Seal.png
Uri Pamantasang pang-estado
Pangulo Cecilia N. Gascon
Lokasyon Gumaca, Quezon, Pilipinas
Kampus 9 na kampus
Websayt [www.slsu.edu.ph]

Ang Southern Luzon State University ay ang dating Southern Luzon Polytechnic College (SLPC). Ang pangunahing kampus nito ay matatagpuan sa may paanan ng Bundok ng Banahaw sa Lucban, Quezon. Isang bayan na may tinatayang layong 130 kilometro mula sa Maynila. Sa pagnanais ng Academic Excellence ang unibersidad ay nagpapatuloy sa pagyabong sa akademikong aspeto. Sa katunayan naparangalan na ito bilang isa sa mga nangungunang unibersidad sa iba't-ibang pagsusulit pampropesyunal. Kabilang na dito ang sa Narsing, Agrikultura, Edukasyon, Inhenyero at Paggugubat.

Ito ay itinatag noong Hulyo ng taong 1964 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Cecilia N. Gascon. Mayroon itong mga kampus sa Tagkawayan, Alabat, Polillo, Lucena, Sampaloc, Tiaong, Gumaca at sa Infanta lahat sa lalawigan ng Quezon.

Kasaysayan[baguhin]

Ang kampus ng Gumaca ay makikita sa Barangay Tabing Dagat. Ang lugar na ito ay mas kilala bilang tambak dahil ito ay ang dating dalampasigan na tinambakan ng lupa. Ang unang plano sa lugar na ito ay gawing sentrong terminal ng mga sasakyan subalit nang magpalit ng pamumuno ay napagpasyahan na lamang pagtayuan ng bagong paaralan. Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Punong-bayan ng Gumaca na si Joy Job Cabangon kasama ang butihing Gobernador ng lalawigan ng Quezon na si Rafael Nantes.

Noong hindi pa tapos ang gusali ng kampus, pansamantalang sa itaas ng gusali ng Bangko sa Lupa ng Pilipinas matatagpuan sa Brgy. Maunlad sila nagkaklase. Sa kasalukuyan sa gusali na ng SLSU Gumaca sila nagkaklase.

Mga Baccalaureate Degree Programs na Inaalok sa SLSU Kampus ng Gumaca[baguhin]

  • Bachelor of Science in Accountancy
  • Bachelor of Science in Education Major in Mathematics
  • Diploma in Industrial Technology Major in Computer Technology
  • Diploma in Industrial Technology Major in Mechanical Technology