Ununquadium

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Ununquadium[1] /u·nun·kwad·yum/ ay ang pansamantalang pangalan ng radioactive na elementong kemikal na may pansamantalang simbolong Uuq at atomikong bilang na 114. Minumungkahi na tawagin ang elementong ito na flerovium,[2] sunod sa Rusong siyentipikong si Georgy Flyorov (binabaybay ding Flerov).

May 80 radioactive decay na ng ununquadium ang naobserbahan hanggang sa ngayon, 50 rito ang direkta at 30 mula sa pagka-decay ng mas mabigat na elementong ununhexium at ununoctium. Lahat ng pagka-decay ay itinalaga sa limang magkakalapit na isotope na may bilang ng mass na 285–289. Ang pinakamahabang nabuhay na isotope na alam sa ngayon ay 289Uuq na may kalahating-buhay na ~2.6 s, bagaman may palatandaan sa isang nuklear na isomer 289bUuq, na may kalahating-buhay na ~66 s, na ito'y isa sa may pinakamahabang nabuhay na nucleus sa rehiyon ng sobrang-bigat na elemento.

Ayon sa mga kemikal na pag-aaral na isinagawa noong 2007, ang ununquadium ay nagpapahiwatig na nagtataglay ng non-eka-lead na katangian, at mukhang ito ang unang sobrang-bigat na elemento na gumaganap ng katangiang gaya ng sa mga noble-gas dahil sa epektong relativistic.[3]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:

Sanggunian[baguhin]

  1. J. Chatt (1979). "Recommendations for the Naming of Elements of Atomic Numbers Greater than 100". Pure Appl. Chem. 51: 381–384. doi:10.1351/pac197951020381.  (Ingles)
  2. Brown, Mark (June 6, 2011). "Two Ultraheavy Elements Added to Periodic Table". Wired. http://www.wired.com/wiredscience/2011/06/new-heavy-elements/#more-62779. Hinango noong 7 June 2011.  (Ingles)
  3. Gas Phase Chemistry of Superheavy Elements, lecture by Heinz W. Gäggeler, Nov. 2007. Huling inaccess noong Dis. 12, 2008. (Ingles)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.