Uretra

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang panlalaking uretra.

Ang uretra ay isang tubong umuugnay o kumukunekta sa pantog patungo sa labas ng katawan. Ito ang nagpapahintulot sa tao at hayop (lalaki man o babae) na makapagtanggal ng ihi mula sa kanilang katawan.[1] Natatabanan o nakukontrol ng tao at hayop ang pag-ihi o urinasyon sa pamamagitan ng paggamit ng ispinkter na uretral. Bahagi ng sistemang pang-ihi o uretral ang uretra. Dahil sa mamalya ang tao, mayroon itong uretra. Sa lalaking mamalya, bahagi rin ang uretra ng sistemang reproduktibo, dahil ginagamit ito ng lalaki bilang tubong lagusan o daanan ng semilya at semen sa panahon o oras ng pakikipagtalik.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Urethra". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.