Urolagnia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Isang paraphilia kung saan ang dumaranas sa kalagayang ito’y nakahahanap ng pagkapukaw at kagalakang sekswal sa mga ideya, gawain at lugar na may koneksiyon sa pag-ihi . [ 1 ] Ang salitang ito ay nagmula sa Wikang Griyego (mula ouron , ihi, at lagneia , libog). [ 2 ] [ 3 ] Ang mga taong nakararanas ng urophilia ay maaaring makahanap ng saya sa pag-ihi sa ibang tao, o sa pag-ihi sa kanila ng ibang toa. Minsa’y iniinom rin ng ilang mga indibidwal na urophilic ang ihi; ang ugaling ito na paginom ng ihi ay kilala bilang urophagia, hindi kinakailangang nasa kontekstong sekswal lagi ang urophagia.

Ang mga gawaing ito ay madalas na inilarawan sa mga salitang balbal tulad ng golden shower, water sports, o piss play, mga salitang Amerikano. Ang urophilia kung minsan ay iniuugnay rin sa omorashi ng bansang Hapon, kahit na may pinagkaiba ito sa urophilia ng Kulturang Kanluranin. Ang omorashi ay mas nakatuon sa paghahanap ng kalugurang sekswal sa ideya ng pagpipigil ng ihi ng iba. Bilang isang paraphilia, ang ihi ay nagiging paksa ng libog. Maari itong makamtan sa pamamagitan ng pag-inom ng ihi o pagligo dito. Maari rin itong makamtan sa pamamagitan ng panunuod ng taong naiihi sa kanilang salawal o sa kama. Ang ibang urophilic ay nadadarang sa amoy ng ihi, sa mga damit na nababad roto’t natuyo at maging mga bahagi ng katawang nabahiran ng amoy nito. Ikinokenekta ng amoy ng ihi ang mismong akto ng pagtatalik sa mga bagay na nababahiran ng amoy nito kaya’t tila nagbibigay ang amoy na ito ng kiliti sa mga urophilic. Mas nalilibugan naman ang iba sa mga diaper na naihian na, maikokonekta sa infantilism ang spesipikong kagustuhang ito. Ang mga urophilic ay maaaring lumahok bilang bahagi ng mga sekswal na tagpo ng dominasyon at pagsumite, dahil nga sa tila laro ng kapangyarihan na bumabalot sa konteksto ng kung sino ang iihian o iihi sa katalik, ngunit hindi lahat ng sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng ihi ay ganoon.

Karaniwang ipiangkakalito ang Urophilia sa sekswal na pagkaakit sa mga nagpipigil ng ihi na kung tutuusi’y mas karaniwang kinikilingan ng mga sadomasochistic. Dahil nga sa tila pagpapahirap na hated ng pagpipigil ng ihi sa isang indibidwal. Sa mga Hanky code, ang pagiging urophiliac ay sinisimbolo ng isang dilaw na bandana sa kanan o kaliwa pantalon bulsa. Sa New Zealand , ang paglalathala o pagtataguyod ng anumang bagay na sumusuporta sa urophilia, sa lathalain man o online, ay isang pagkakasalang pinarurusahan ng hanggang sampung taonng pagkakabilanggo. [ 4 ] [ 5 ] [ 6 ]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. ^ Dorland's Medical Dictionary para sa Consumers Healthcare
  2. ^ Colman, Andrew M. (2006). A Dictionary of Psychology . Oxford University Press. ISBN 978-0-19280-632-1 . http://books.google.com/books?id=-i9rHgAACAAJ. Ikinuha 2009/01/08 .
  3. ^ Batas, Dr Richard; William T. O'Donohue (1997). Sekswal Deviance: Teorya, Assessment, at Paggamot . Guilford Press. p. 403. ISBN 978-1-57230-241-9 . http://books.google.com/books?id=UTg5cj7UBiIC. Ikinuha 2009/01/08 .
  4. ^ "censorship" . Office of Film at Panitikan Classification . Pamahalaan ng New Zealand. 2007. Naka-archive mula sa orihinal na sa 23 Hulyo 2008 . http://web.archive.org/web/20080723151722/http://www.censorship.govt.nz/censorship.html. Ikinuha 2009/01/08 .
  5. ^ "Ibig sabihin ng katutol-tutol" . Films, Videos, at Publications Classification Act . Pamahalaan ng New Zealand. 1993 . http://gpacts.knowledge-basket.co.nz/gpacts/reprint/text/2005/se/042se3.html. Ikinuha 2009/01/08 . "(D) ang paggamit ng mga ihi o dumi na kasama ng imbi o dehumanizing uugali o kilos na sekswal ..."
  6. ^ "Films, Videos, at Publications Classification Susog Act 2005" . Dept. ng Internal Affairs . Pamahalaan ng New Zealand. 2008/01/28 . http://www.censorship.dia.govt.nz/diawebsite.nsf/wpg_URL/Services-Censorship-Compliance-Amendment-Act-2005?OpenDocument. Ikinuha 2009/01/08 . "Bilang susugan, isang tao na sadyang trades, namamahagi o gumagawa ng hindi kanais-nais na materyales ngayon mukha ng isang maximum na panahon ng panunungkulan ng pagkabilanggo ng 10 taon."