Usapan:Idyoma

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Mga iba pang Idyoma: 1.Ibaon sa hukay-kinalimutan 2.Namuti ang mata-nainip sa kahihintay 3.Lubad ang kulay-bading o bakla 4.Butas ang bulsa-walang pera,Mabigat ang kamay 5.Di-makabasag pinggan-mahinhin 6.Daga sa dibdib-takot 7.Maanghang ang dila-bastos magsalita 8.Kumuklo ang dugo-naiinis,nasusuklam 9.Itaga sa bato-tandaan 10.Bukal sa loob-taos-puso,tapat 11.Mahabang dulang-kasalan 12.Mababaw ang luha-madaling umiyak 13.Makapal ang mukha-Di marunong mahiya 14.Nakahiga sa salapi-mayaman 15.Panis ang laway-taong di-palakibo 16.Makati ang paa-Mahilig sa gala o lakad 17.Takaw tulog-mahilig matulog 18.Maputi ang tainga-kuripot 19.Lumaki ang ulo-yumabang 20.Makapal ang bulsa-maraming pera


Sawikain at Idyoma/Idioma[baguhin]

Magandang gabi po! baka po masmainam po na ipagsanib ang idyoma sa artikulong SAWIKAIN? kasi po "sawikain" po ung tagalog ng "idioms"...hindi po ba? :) salamat. Squalluto 13:16, 11 Hunyo 2007 (UTC)

Oo.Sawikain o idioma ang tagalog ng “Idioms”... - —Ang komentong ito ay idinagdag ni 124.217.25.26 (usapankontribusyon) noong Hulyo 28, 2008.

       Mga Halimbawa
 
 1. anak-pawis - taong mahirap
 2. balat-sibuyas - iyakin
 3. basang sisiw - basang basa / Kawawa
 4. ibaon sa hukay - kinalimutan
 5. ilista sa tubig - pag-utang na hindi na babayaran
 6. itaga sa bato - pagkatiyak sa mga sinabi
 7. kalapating mababa ang lipad - isang patutot, babaeng bayaran
 8. kamay na bakal - gamitan ng paghihigpit
 9. namuti ang mata - nainip sa kahihintay
10. ningas-kugon - magaling lamang sa umpisa ngunit hindi tinatapos ang isang gawain
11. maghigpit ng sinturon - magtipid
12. pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - imposibleng mangyari
13. pusong mamon - maawain
14. suntok sa buwan - mahirap abutin
15. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
16. lubad ang kulay- binabae
17. hambubukad - binabae
18. magdilang-anghel - magkatotoo sana
19. magdildil ng asin - hikahos
20. di mahulugang karayom - maraming tao
21. sirang plaka - paulit ulit
22. matulis na dila - masakit mag salita
23. makating dila - madaldal
24. agaw buhay - taong mamatay na
25. may gintong kutsara sa bibig - pinanganak na mayaman
26. mahangin ang ulo - mayabang
27. sunugin ang kilay - mag aral
28. bahag ang buntot - takot
29. may uod sa katawan - malikot
30. Nag solian ng kandila - nagkagalit
31. sira ang bakod - kulang-kulang ang ngipin / bungi
32. mabigat ang katawan - tamad 
33. malambot ang ilong - uto uto
34. alog na ang baba - matanda
35. tumayo ang balahibo - takot / nagulat