Usog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang usog ay isang uri ng pagpuna sa isang tao na may masamang naidudulot paglipas ng ilang minuto o oras. Ito ay nakikilala rin sa salitang balis na maaaring nagmula sa Bikol. Sinasabing ang karamdamang ito ay dahil sa kontaminado o maruming kaisipan o kalagayang espirituwal o diwang kaligaligan ng isang tao. Ang ganitong kalagayan ay nagpapahawa pa sa iba kung kaya't kapag may tiningnan o binati ito ay nakakaramdam ng masama paglipas ng ilang sandali. Ang paglalaway sa tiyan ng nakausog sa nausog ay dagling nagpapawala ng karamdamang dulot ng usog o balis. Ang usog ay hindi kinikilala ng makabagong medisina.



KulturaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Kultura at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.