Vasco da Gama

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Vasco da Gama
Kapanganakan ca. 1460-1469
Sines, Alentejo, Portugal
Kamatayan Disyembre 24, 1524 (aged approx. 54-64)
Kochi, India
Hanapbuhay Explorer, military naval commander
Asawa Catarina de Ataíde

Si Vasco da Gama (IPA:'vaʃku dɐ 'gɐmɐ; ipinanganak bandang 1469 sa Sines o Vidigueira, Alentejo, Portugal; namatay 24 Disyembre 1524 sa Kochi, Indiya) ay isang Portuges na mandaragat, eksplorador, at isa sa mga matagumpay na tao noong Panahon ng Pagtutuklas ng Europa. Isa siya sa mga unang tao naglayag mula Europa hanggang India. Nakatulong sa pagbubukas ng kalakalan sa pagitan ng Kanlurang Europa at Asya ang kaniyang mga natuklasan, sanhi ng pagiging makapangyarihan ng Portugal noong ika-16 dantaon.[1]

Muli siyang tumuntong sa India noong 1502. Nang lumaon, hinirang at pinamagatan siyang Admiral ng India ni Haring Manuel. Marami pang mga adbenturerong mga Portuges ang nagsipagtatag ng mga kolonya sa Timog-Kanlurang India, kung kaya't noong 1524, ipinadala si Da Gama sa India bilang biseroy o maharlikang gobernador. Sumakabilang buhay siya habang nasa India noong 1524.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



TaoPortugal Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Portugal ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.