Vic Zhou
- Zhōu Yú Mín ang taal na porma ng pangalang ito. Ginagamit sa artikulong ito ang Kanluraning pagkakasunud-sunod ng pangalan.
Si Vic Zhou (周渝民, pinyin: Zhōu Yú Mín) ay isang aktor, mang-aawit at modelo mula sa Taiwan. Siya ay kabilang sa tanyag na pangkat ng mga kalalakihang mang-aawit sa Taiwan na tinatawag na F4. "Vic Zhou" ang kanyang screen name samantalang ang kanyang pangalan sa Ingles ay "Andy Zhou".
Ipinanganak siya noong Hunyo 9, 1981, dahilan upang siya ang maging pinakabata sa apat na kasapi ng F4. Ang kanyang lola ang siyang nagbigay sa kanya ng palayaw na Zàizài (在在), na ang ibig sabihin ay "maliit na bata". Kilala rin siya ng kanyang mga tagahanga sa palayaw na ito.
Siya ay nadiskubre ng isang direktor noong sinamahan niya ang isang kaibigan na mag-audition para sa papel sa dramang Meteor Garden (流星花園, pinyin: Liú Xíng Huā Yuán). Ang Meteor Garden ay hango sa isang manga, tawag sa komiks na Hapon, na pinamagatang, Hana Yori Dango (花より男子, sa Filipino: Ang mga Lalaking Higit pa sa mga Bulaklak). Siya ay napasama upang gumanap sa papel ni Huā Zé Lèi (花沢類), isang tahimik at mababang loob na lalaki na umibig sa bidang babaeng si Shān Cài (杉菜) na ginampanan naman ni Barbie Xu (徐熙媛, pinyin: Xú Yí Yuán). Sa nasabing pagganap ay nagging tanyag si Vic at marami ang kanyang mga naging tagahanga na sumusuporta sa kanya maging sa mga sumunod pa niyang pagganap.
Noong una ay sinikap niyang tapusin ang kanyang kursong mechanical engineering sa Taiwanese Technical Institute sa Taiwan. Subalit sa dami ng mga tagahangang nagpupunta sa kanyang paaralan sa pagnanais na siya ay makita, ipinasya niyang lumipat ng paaralan nang dalawang beses. Nagkagayon man, tumigil siya sa kanyang pag-aaral dahil sa pagiging abala niya sa kanyang larangan.
Maliban sa Meteor Garden, lumabas din siya sa hindi iilang mga seryeng Taiwanese tulad ng Poor Prince (貧窮貴公子, pinyin: Píng Qióng Guì Gōng Zǐ, Filipino: Ang Mahirap na Prinsipe), Meteor Rain (流星雨, pinyin: Liú Xīng Yǔ, Filipino: Ulan ng mga Bulalakaw), Meteor Garden II (ikalawang yugto ng Meteor Garden I), Come To My Place (来我家吧, pinyin: Lái Wǒ Jiā Bǎ, Filipino: Magtungo Ka Sa Aking Lugar) at Love Storm (抂愛龍捲風, pinyin: Kuáng Ài Lǒng Juǎn Fēng, Filipino: Unos ng Pag-ibig). Ang kanyang pinakabagong serye ay pinamagatang War God Mars (戰神Mars, pinyin: Zhàn Shén Mars, Filipino: Mars, Ang Diyos ng Digmaan), kung saan muli niyang nakatambal si Barbie Hsu. Lumabas din siya sa palatuntunang pantelebisyong sa Taiwan, ang ABCDEF4, kasama ang tatlo pang kasapi ng F4.
Mayroon siyang mga patalastas tulad ng sa softdrink, eye drops, shampoo, sapatos, kompyuter, cellular phone, motorsiklo, damit, kendi at gatas.
Siya ang kauna-unahang kasapi ng F4 na nakapaglungsad ng sariling album nang lumabas ang Make a Wish noong Enero 2002. Sinundan ito ng Remember I Love You (記得我愛你, pinyin: Jì De Wǒ Ài Nǐ) na inilunsad noong Enero 2004. Umawit rin siya ng ilang awitin para sa mga album ng F4 tulad ng dalawang kanta para sa Meteor Rain (流星雨, pinyin: Liú Xīng Yǔ), na lumabas noong Marso ng 2002 at dalawa pang kanta sa Fantasy 4ever, na inilunsad noong Enero ng 2003. Ang kanyang mga album at mga album ng F4 ay inilunsad sa ilalim ng Sony Music Taiwan.
Naglabas din siya ng photo album noong Oktubre 2002, na pinamagatang Travel Dream (流浪夢, pinyin: Liú Làng Mèng, Filipino: Nagliliwaliw na Panaginip) na nagtatampok ng kanyang mga larawan na kinunan noong siya ay namasyal sa Hokkaido, Japan.
Filmography
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Meteor Garden I - bilang Huā Zé Lèi (花沢類)
- Poor Prince
- Meteor Rain - bilang Huā Zé Lèi (花沢類)
- Meteor Garden II - bilang Huā Zé Lèi (花沢類)
- Come to my Place (来我家吧, pinyin: Lái Wǒ Jiā Bǎ)
- Love Storm (抂愛龍捲風, pinyin: Kuáng Ài Lǒng Juǎn Fēng) - bilang Lu Yin Feng
- Mars (戰神Mars, pinyin: Zhàn Shén Mars) - bilang Ling (零)
- ABCDEF4
- Silence (深情密碼, pinyin: Shēn Qíng Mì Mǎ) bilang Qi Weiyi (戚偉易)
- Sweet Relationship (美味關係, pinyin: Měi Wèi Guān Xì) bilang Fang Zhitian (方織田)
- Wish to See You Again (這裡發現愛, pinyin: Zhè Lǐ Fā Xiàn Ài) bilang Xu Le (許樂)
- Black and White (痞子英雄, pinyin: Pǐ Zi Yīng Xióng) bilang Chen Zai Tian (陳在天)
- Memoirs Of Madam Jin (金大班最後一夜, pinyin: Jīn Dà Bān Zuì Hòu Yī Yè) bilang Sheng Yue Ru (盛月如)
- Coming Home (回家 pinyin: Huí Jiā) bilang Su Taiying (蘇台英)
- Beauties in the Closet (櫃中美人, pinyin: Guì Zhōng Měi Rén) bilang Li Han (李涵)
- The Flame's Daughter (烈火如歌, pinyin: Liè Huǒ Rú Gē ) bilang Yin Xue (銀雪)
Discography
[baguhin | baguhin ang wikitext]Make A Wish (2002)
- Make A Wish
- Love Loves You - 愛在愛妳 (pinyin: Ài Zài Ài Nǐ)
- Hotline For Help - 求救專線 (pinyin: Qiú Jiù Zhuān Xiàn)
- Broken Tears - 破碎的眼淚 (pinyin: Pò Suì De Yǎn Lèi)
- A Gentle Good Night - 溫柔的晚安 (pinyin: Wēn Róu De Wǎn Ān)
- With Me And You - 有我有你 (pinyin: Yǒu Wǒ Yǒu Nǐ)
- Loving You
- It Hurts My Heart - 心疼 (pinyin: Xīn Téng)
- Even Fairy Tales Are Not Good Enough - 童話還不夠美好 (pinyin: Tóng Huà Hái Bú Gòu Měi Hǎo)
- If It Was Not For Loving You - 要不是愛上你 (pinyin: Yào Bú Shì Ài Shàng Nǐ)
Remember I Love You (2004)
- Remember I Love You - 記得我愛你 (pinyin: Jì Dé Wǒ Ài Nǐ)
- Your Body Temperature - 你的體温 (pinyin: Nǐ De Tī Wēn)
- Try To Love Me For A Day - 試著愛我一天 (pinyin: Shì Zhù Ài Wǒ Yì Tiān)
- Mama Said - 媽媽説 (pinyin: Mā Mā Shuì)
- How To Forget - 怎麽忘 (pinyin: Zěn Me Wàng)
- Guarantee Of Happiness - 幸福的保證 (pinyin: Xìng Fú De Bǎo Zhèng)
- Why Didn't You Come - 為何你不来 (pinyin: Wéi Hé Nǐ Bú Lái)
- Suddenly - 忽然 (pinyin: Hū Rán)
- Message Of Three Thousand Years - 三千年的留言 (pinyin: Sān Qiān Nián De Liú Yán)
- I Breath You - 我呼吸你 (pinyin: Wǒ Hū Xī Nǐ)
Meteor Rain (2002)
- Persistence For You - 為你執著 (pinyin: Wé Ni Zhí Zhù)(Track 5)
- The Most Special Existence - 最特别的存在 (pinyin: Zuì Tè Bié De Cún Zài) (Track 10)
Fantasy 4ever (Enero 2003)
- Lonely Winter - 一個人的冬季 (pinyin: Yī Gè Rén De Dōng Jì) (Track 4)
- How Come It's You - 怎麽會是你 (pinyin: Zěn Me Huì Shì Nǐ)(Track 10)
I am Not F4 (Oktobre 2007)
- I am Not F4 - 我不是F4 (Pinyin: Wǒ Bù Shì
- Fall in Love with This World - 爱上这世界 (Pinyin: Ài Shàng Zhè Shì Jiè
- Who is He? 他是誰 (Pinyin: Tā Shì Shuí)
- Perfect Idol - 完美偶像 (Pinyin: Wán Měi ǒu Xiàng)
- Mosaic - 馬賽克 (Pinyin: Mǎ Sài Kè)
- Blue Whale - 藍鯨 (Pinyin: Lán Jīng)
- Love You, Hate You - 愛你恨你 (Pinyin: Ài Nǐ Hèn Nǐ)
- 1+1 - 一加一 (Pinyin: Yī Jiā Yī)
- MISSING YOU
- Have No Friends - 有没友 (Pinyin: Yǒu méi You)
- wherever you are (Bonus Track)