Victory Liner

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Victory Liner
logo
Slogan "We Move People Better Safer"
Naitatag 1945
Punong Tanggapan 713 Rizal Avenue Extension, Barangay 72, Grace Park West, Lungsod ng Kalookan, Pilipinas
Lugar ng Serbirsyo Maynila-Hilagang Luzon, Pilipinas Flag of the Philippines.svg
Uri ng Serbisyo Panlalawigan
Fleet 900+ bus units, (Ordinary, Air-Conditioned and Deluxe buses)
Tagapamahala Victory Liner, Inc.
Websayt www.victoryliner.com

Ang Victory Liner, Inc., ay isa sa pinakamalaking kompanya ng bus panlalawigan sa Pilipinas. Ito ang tanging kompanya ng bus na may pinakamaraming destinasyon sa Hilagang Luzon. Ito ay naging produkto ng pananakop ng bansang Hapon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Five Star Bus Company ay isang kompanya ng bus na kinakapatid na kompanya (sister company) ng Victory Liner at bumibiyahe rin sa mga lugar sa Hilagang Luzon, lalo na sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalan ng kompanya ay hinango sa salitang Ingles na "Victory Joe", na sinabi ng isang sundalong Amerikano, na nagpapatunay ng tagumpay ng Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig laban sa Hapon. Ang pananalitang iyon ang siyang naging pangalan ng kompanya ng bus at tinawag ito ngayong Victory Liner ni G. Jose I. Hernandez, isang mekaniko at sole founder ng nasabing kompanya.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagkakatatag ng Victory Liner ay nagsimula kay G. Jose Hernandez, isang mekaniko. Nangolekta siya ng ilang spare parts, makina, at mga piraso ng metal galing sa mga sira at abandonadong mga sasakyang pangmilitar ng Estados Unidos. Naisipan niyang gawin itong isang trak upang magdala at magbenta ng mga produkto tulad ng mais, bigas, mga gulay at homemade na sabong panlaba.

Makalipas lamang ang isang buwan buhat nang matapos ang digmaan, naisipan umano ni G. Hernandez na ang trak na ginawa niya ay siyang magiging pampasaherong bus.

Noong 15 Oktubre 1945, ang kauna-unahang bus na hinango niya sa improvised na trak ay may linyang Maynila-Olongapo vice versa. Siya ang kauna-unahang drayber nito, at ang kanyang bayaw na si Leonardo D. Trinidad ay ang kauna-unahang konduktor.

Sa paglipas ng maraming taon, lumawak ang kompanya at naging isang ganap na korporasyon dahil sa nakakuha sila ng ilang prangkisa at units sa ilang mga kompanya ng bus na malapit nang malugi o magsara. Sa ngayon, ang Victory Liner na ang nangungunang kompanya ng bus na may pinakamaraming destinasyon sa Hilagang Luzon, kabilang na ang Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Pangasinan, Tarlac, Benguet, Mountain Province, Ifugao, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Aurora, Isabela, Cagayan, Apayao, at Kalinga. Ang pangunahing opisina nito (opisyal na headquarters) ay matatagpuan sa Lungsod ng Caloocan at ang adres nito ay 713 Rizal Avenue Extension, Barangay 72, Grace Park West, Caloocan City, Philippines Flag of the Philippines.svg.

Sa ngayon, may mayroon nang tinatayang 1000 bus ang Victory Liner batay sa iba't ibang modelo. Ang ibang unit ay pawang mga rebodied (binago ang disenyo ng katawan ng bus sa pamamagitan ng welding upang magmukhang bago) mula sa ilang pinagkakatiwalaang manupakturer ng mga bus gaya ng Santarosa Motorworks, Inc. Del Monte Motors Corp., Pilipinas Hino, Inc., at Almazora Motors. Mayroon na silang mga bus na gawa sa mga bansang Tsina at Korea gaya ng Yutong, King Long, Hyundai at Kia. Mayroon silang sariling planta na kung saan doon isinasaayos ang ilang mga lumang bus upang maging bago, lalong-lalo na ang ilan sa mga na-rebodied na ay mga Japayuki units.

Mula nang mamatay ang sole founder noong 2001, ipinasa ang pamunuan sa anak niyang lalaki, si G. Johnny Hernandez.

Noong 2007, inilunsad ang Deluxe class. Ito ay para lamang sa mga biyahe papuntang Baguio at Tuguegarao. At tinatayang mayroong 600 bus ang Victory Liner batay sa iba't ibang modelo hanggang sa nadagdagan na ito ng mga sumunod pang mga taon.

Sa unang bahagi ng taong 2011, ang Victory Liner ay nakapaglunsad na ng wireless internet o Wi-Fi na gawa ng Sun Cellular. Gaya ng JAC Liner, Inc. inaasahan ng kompanya na malalagyan ng Wi-Fi ang lahat ng mga bus hanggang sa matapos ang taon. Ito ay upang mabigyan ng magandang serbisyo at maiwasan ang pagkainip ng mga pasahero kahit mahaba o maigsi ang biyahe.

Mga Fleet[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa ngayon, mayroon nang tinatayang humigit-kumulang 1000 bus ang Victory Liner na kung saan karamihan sa mga makina nito ay gawa sa ilang lokal na mga manupakturer. Ang mga sumusunod ay ang mga modelo ng mga bus ng Victory Liner.

Santarosa Motorworks, Inc.[baguhin | baguhin ang batayan]

  • EXFOH
  • SR 620 NV
  • SR Modulo
  • NDPC Euro
  • SR BF106
  • SR BV115
  • Flexstar

Del Monte Motor Works, Inc.[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Aero Adamant
  • Aero Extreme
  • DM09
  • DM10
  • Lion's Star

Daewoo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • BF106
  • BV115

Hino[baguhin | baguhin ang batayan]

  • RF (only 2 units)
  • RF (ordinary, defunct)
    • Blue Ribbon High Decker (defunct)
    • Grandtheater (defunct)
    • Prisma (defunct)
  • RK

Hyundai[baguhin | baguhin ang batayan]

Isuzu[baguhin | baguhin ang batayan]

Kia[baguhin | baguhin ang batayan]

King Long[baguhin | baguhin ang batayan]

  • XMQ6118JB
  • XMQ6126Y

MAN Diesel[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 14.232
  • 16.290
  • 18.280
  • 18.400

Mitsubishi Fuso[baguhin | baguhin ang batayan]

Nissan Diesel UD Trucks[baguhin | baguhin ang batayan]

  • CPB87N (using FE6B engine)
  • SP215NSB (using FE6C engine)
  • UA
  • RB31S (using PE6 engines)
  • RB46S (using PE6(T) engines)
  • JA430SAN (using PE6(T) engines)
  • JA451SSN (using PF6(A/T) engines)
  • JP252PSN (using FE6C engines)

Kässbohrer Setra[baguhin | baguhin ang batayan]

  • S215HR (2-units only) (stored)

Yutong[baguhin | baguhin ang batayan]

  • ZK6100H (2-units only)

Mga Larawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Klase ng Pamasahe[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Ordinary Fare (mga non-airconditioned buses)
  • Economy Fare (mga air-conditioned buses na ang sinisingil ay katulad ng sa ordinary fare)
  • Air Conditioned (may 45 at 49-seater na mga bus)
  • Deluxe (mga air-conditioned buses na may 31 passenger seats)
  • Super Deluxe (mga air-conditioned buses na ang seating capacity ay 29 passenger seats lamang; may palikuran at lababo; walang hinto ang biyahe)

Mga Destinasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalakhang Maynila[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Destinasyong Panlalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Dating Destinasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Rutang Inter-Probinsiyal[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Baguio City, Benguet - Bolinao, Pangasinan (via Alaminos)
  • Baguio City, Benguet - Sta. Cruz, Zambales (via Dagupan and Alaminos)
  • Baguio City, Benguet - Mabalacat, Pampanga (Dau Bus Terminal)
  • Baguio City, Benguet - Tarlac City, Tarlac
  • Baguio City, Benguet - Tuguegarao City, Cagayan
  • Baguio City, Benguet - Tabuk, Kalinga
  • Dagupan City, Pangasinan - Alaminos City, Pangasinan
  • Dagupan City, Pangasinan - Baguio City, Benguet (either via Manaoag, Pangasinan or Agoo, La Union)
  • Dagupan City, Pangasinan - Iba, Zambales
  • Dagupan City, Pangasinan - Mabalacat, Pampanga (Dau Bus Terminal)
  • Dagupan City, Pangasinan - Sta. Cruz, Zambales
  • Dagupan City, Pangasinan - Tabuk City, Kalinga
  • Dagupan City, Pangasinan - Santiago, Isabela
  • Dagupan City, Pangasinan - Roxas, Isabela
  • Dagupan City, Pangasinan - Tuguegarao, Cagayan (inactive)
  • Olongapo City, Zambales - Baguio City, Benguet (either via San Fernando, Pampanga or SCTEX)
  • Olongapo City, Zambales - Balanga City, Bataan (via Dinalupihan or Hermosa through SCTEX)
  • Olongapo City, Zambales - Dagupan City, Pangasinan (via Iba and Sta. Cruz, Zambales)
  • Olongapo City, Zambales - Iba, Zambales
  • Olongapo City, Zambales - San Felipe, Zambales
  • Olonagpo City, Zambales - Sta. Cruz, Zambales
  • Olongapo City, Zambales - San Fernando/Guagua, Pampanga

Mga Subsidiarya[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Martinez Trans
  • Sta. Lucia Express (nasa ilalim ng pamunuan ng Victory Liner na may rutang Maynila-Candon)
  • Victory Shuttle Service, Inc.
  • Victory Coach

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Sixty Years, 2007, Victory Liner, Inc. - ang komprehensibo at kumpletong kasaysayan ng Victory Liner
  • 65th Anniversary, 2011, Victory Liner, Inc. - "Ang Tunay na Joyride"

Panlabas na Ugnay[baguhin | baguhin ang batayan]