Virgilio Almario

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
National Artist of the Philippines.svg
Panitikan
2003
Virgilio Senadren Almario
Virgilio Almario.jpg
Si Virgilio Almario sa isang pagbabasa ng tula noong Hunyo 2011.
Tunay/Buong pangalan Virgilio Senadren Almario
Kapanganakan Marso 9, 1944
San Miguel, Bulacan, Bulakan
Kabansaan Pilipino
Larangan Panitikan
Pinag-aralan/Kasanayan Pamantasan ng Pilipinas
Kilusan/Samahan Pagkamakabagong Pilipino
Gantimpala/Parangal Gawad Sentenaryo ng Pamantasan ng Pilipinas, Gawad Amado V. Hernandez, Gawad Balagtas para sa Panulaan at Sanaysay

Si Virgilio Senadren Almario ay kilalang awtoridad sa larangan ng wikang Filipino at panitikan ng Pilipinas. Kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Gamit ang sagisag na Rio Alma, si G. Almario ay nakapagsulat at nakapaglathala na ng mga tula at kuwento na kinilala na rin ng maraming mga institusyon tulad ng Carlos Palanca Foundation, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines, o CCP) at Komisyon sa Wikang Filipino. Kilalang risertser din si G. Almario at pangunahing pokus ng kanyang mga pananaliksik. Isa rin siya sa mga hinirang na Outstanding Writers and Artists of the Century ng CCP.

Dating direktor ng Surian ng Malikhaing Pagsulat ng Unibersidad ng Pilipinas, si G. Almario ay nagtapos ng kanyang AB sa Political Science at MA sa Filipino sa naturang unibersidad.