Vladimir Nabokov

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ang artikulong ito sa nobelista. Para sa kanyang amang politiko, tingnan ang Vladimir Dmitrievich Nabokov.
Isang istatuwa ni Vladimir Nabokov.

Si Vladimir Nabokov (Abril 22, 1899 - Hulyo 2, 1977) ay isang Amerikanong maalam sa mga wikang may-akda, nobelista, at manunulat ng maiikling mga kuwento na ipinanganak sa Rusya.[1] Una niyang isinulat ang kanyang mga aklat, partikular na ang unang siyam niyang mga nobela, sa wikang Ruso, ngunit pagkaraang lumipat sa Estados Unidos, nagsulat na siya sa wikang Ingles. Kabilang sa kanyang inakdaang mga aklat ang Lolita (1955) at Pnin. Itinuturing ang Lolita bilang isa sa kanyang pinakamahahalagang mga nobela. Nakapag-ambag din siya sa larangan ng entomolohiya, at nagkaroon ng pagtuon ng pansin sa mga suliraning pang-ahedres.

Noong 1919, nagpunta si Nabokov at ang kanyang mag-anak sa Europa. Noong 1945, naging isa na siyang mamamayang Amerikano.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Vladimir Nabokov". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 429.


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.