Wales

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Wales
Cymru
Pambansang Kasabihan: Cymru am byth (Welsh)
"Wales Forever"
Pambansang Awit: "Hen Wlad Fy Nhadau"  (Welsh)
"Land of my fathers"

Kinaroroonan ng  Wales  (kahel)

– sa Europe  (kamelyo & puti)
– sa the United Kingdom  (kamelyo)

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Cardiff
51°29′N 3°11′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Welsh, English
Pangalang-
turing
Cymry / Welsh
Pamahalaan Constitutional monarchy
 -  Queen (of the UK) Queen Elizabeth II
 -  Prime Minister (of the UK) Gordon Brown MP
 -  First Minister of Wales Rhodri Morgan AM
 -  Deputy First Minister for Wales Ieuan Wyn Jones AM
 -  Secretary of State (in the UK government) Paul Murphy MP
Unification
 -  by Gruffudd ap Llywelyn 1056 
Lawak
 -  Kabuuan 20,779 km2 
8,022 sq mi 
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2005 2,958,6001 
 -  Senso ng 2001 2,903,085 
 -  Kakapalan 140/km2 
361/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2002
 -  Kabuuan US$48 billion 
 -  Per capita US$23,741 
TKT (2003) 0.939 (high
Salipi Pound sterling (GBP)
Pook ng oras GMT (UTC0)
 -  Tag-araw (DST) BST (UTC+1)
Internet TLD .uk2
Kodigong pantawag 44
Patron David
1 Office for National Statistics - UK population grows to more than 60 million
2 Also .eu, as part of the European Union. ISO 3166-1 is GB, but .gb is unused.

Ang Gales o Wales ay isang kaharian ng United Kingdom o Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda.

Ang lupain[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang peninsula ang lupaing kinalalagyan ng Wales na nasa gawing kanluran ng Britanya. Kinapapalooban ito ng mga bundok ng Cambrian, mga lambak, at ibang mga bulubunduking lupain. Makikita sa katimugan ng peninsula ang bundok ng Snowdon, na may taas na 3,560 piye. Nasa Wales din ang isang malaking laguna, ang Bala.[1]

Nasa Wales din ang bayan na may pinakamahabang pangalan: ang Llanfairpwllgwyngyllgogerychwyrndrobwllllandysiliogogogoch, na ang ibig sabihin ay "Simbahan ni Santa Maria sa loob ng hungkag na puting kastanyo, malapit sa isang mabilis na umaalimpuyong tubig, at simbahan ni Santo Tysilio ng mapulang kuweba".[1]

Mga pangunahing ani[baguhin | baguhin ang batayan]

Likas na mayaman sa uling ang Gales, at napagkukunan din ng tanso, oksido de sik, nikel, at apog.[1]

Mga mamamayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinatawag na mga Welsh ang mga mamamayan ng Wales. Nagsimula sila sa tribung Celtic na nanggaling sa kanlurang Britanya. Nahaluan din ang mga Welsh ng mga lahing Norman at Ingles.[1]

Wika, sining at panitikan[baguhin | baguhin ang batayan]

May sariling wika ang mga Welsh. Nagmula ang kanilang wika mula sa lengguwaheng Gaeliko, ang wika ng mga Kelt. Isang wikang walang titik na J, K, V, X at Z ang alpabeto ng mga Welsh. Kabilang sa panitikan ng mga Welsh ang kuwentong-bayan ni Haring Arturo at mga Kabalyero ng Bilog na Mesa. Sa matandang literatura, itinuturing na mahalaga ang tulang Gododdin at mga kalipunan ng mga alamat, ang Mabinogion. Tinuturing ding mahalaga ang mga makatang sina Dafydd ap Gwilym at Dylan Thomas.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8