Wikang Hiligaynon
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
| Hiligaynon Ilonggo |
||
|---|---|---|
| Ginagamit sa: | ||
| Rehiyon: | Bisayas | |
| Kabuoang-bilang ng mga nagwiwika: | 11 million total (first language: 7 million, second language: 4 million (est.)) | |
| Pagkakahanay: | 83 | |
| Mag-anak ng wika: | Austronesian Malayo-Polynesian Borneo-Philippines Central Philippine Visayan Central Visayan Hiligaynon |
|
| Pamamaraan ng pagsulat: | Latin (Anyong Pilipino); Naunang naisulat sa Baybayin |
|
| Opisyal na katayuan | ||
| Opisyal na wika sa: | Wikang Rehiyonal ng Pilipinas | |
| Pinangangasiwaan ng: | Komisyon sa Wikang Filipino (Commission on the Filipino Language) |
|
| Mga kodigo ng wika | ||
| ISO 639-1: | wala | |
| ISO 639-2: | hil | |
| ISO 639-3: | hil | |
| Paunawa: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong ponetiko na pang-IPA na naka-Unikodigo. | ||
Ang Wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang Hiligaynon. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua franca. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas.
Mga nilalaman |
[baguhin] Gamit
Maraming salitang Kastila sa Ilonggo, mas marami kaysa Tagalog, bagaman sa kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila.
Kadalasang "Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros Occidental. Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga mamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong Ilonggo at ang katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang maaaring ang isa ay pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.
Ang Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Español mula samga pangngalan (hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa verde, luntian), pang-ukol (e.g., antes mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero mula sa pero). Gayumpaman, marami pa ring wikang Español ang hiniram ng wikang Hiligaynon tulad ng barko (barco), sapatos (zapatos), kutsilyo (cuchillo), kutsara (cuchara), tenedor, plato (plato), kamiseta (camiseta), and kambiyo (cambio).
[baguhin] Mga halimbawa
[baguhin] Mga pangungusap
Maayong aga/gab-i
Magandang umaga/gabi
Tagbalay
Tao po
Malakat ka na
Aalis ka na
Karon na lang
Mamaya na lang
Ihatag mo ini sa iya palihog
Pakibigay mo ito sa kaniya
Nagakadlaw na siya
Tumatawa na siya
Kaon ka na sang kan-on
Kumain ka ng kanin!
Nakaka-on na ako sang kan-on
Kumain na ako ng kanin
Nagaka-on ako sang kan-on
Kumakain ako ng kanin
Karon, maka-on ako sang kan-on
Mamaya, kakain ako ng kanin
"Diin ka makadto" Saan ka pupunta
"Bakal!" Pabili
"Tagpili ini" Magkano ito
"Palangga ta ka" Mahal kita
"Siraduhi palihog ang pirtahan" Pakisara ang pintuan
"Palihog trapuhi ang lamesa" Pakipunasan ang mesa
[baguhin] Mga salita
| Tagalog | Ilonggo |
| bahay | balay |
| ito | ini |
| iyan | ina |
| iyon | ato |
| dito | diri |
| diyan | dira |
| doon | didto |
| at | kag |
| masarap | manamit |
[baguhin] mga panghalip
| Tagalog | ang | ng | sa |
| ako | ako | ko | akon |
| ikaw | ikaw / ika | mo | imo |
| ka | ikaw / ika | mo | imo |
| siya | siya | niya | iya |
| tayo | kita | naton | aton |
| kami | kami | namon | amon |
| sila | sila | nila | inyo |
| kayo | kamo | ninyo | ila |